Boy Villasanta

Nora Aunor at Brillante Mendoza, magsasama sa pelikula

Talagang hindi na mapigilan ang pag-ariba ni Brillante Mendoza, ang itinanghal na Palm d’Or Best Director sa prestihiyosong Cannes International Film Festival noong 2009 para sa obrang “Kinatay (The Execution of P).” Higit kailanman, ngayon siya hinahamon ng kanyang pagkamalikhain. Matagal nang naglalaro sa isip ni Brillante na bakit hindi niya idirek si Nora Aunor, […]

Ang paninindigan ni Tikoy Aguiluz sa produksiyon ni ER Ejercito

Tuluyan nang iniwan ni Tikoy Aguiluz, tinaguriang maverick director, ang pagtatapos sa obrang “El Presidente: The General Emilio Aguinaldo Story” na pinagbibidahan at ipinoprodyus ni ER Ejercito, ang gobernador ng Lalawigan ng Laguna. Nasimulan na ni Tikoy ang maraming tagpo at eksena para pelikulang tumalakay sa buhay at pakikipagsapalaran ni Emilio Aguinaldo pero nang dagdagan […]

Ang pagdayo ng mga Dutch hip hop dancer sa Pilipinas

Laging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Dutch dahil kahit noon pang mga ikalabimpitong  siglo ay may nagtungo nang Dutch sa ating bansa. Kaya ang impluwensiya ng Dutch ay may ambag din sa kultura, ekonomiya, pulitika, panlipunan at iba pang sangay ng buhay bagamat marahil ay hindi halatang-halata. Mayaman din sa pamana ng lagi […]

Ang pagpapakita ni KC Concepcion ng kanyang pige, atbp. makukulay na kaganapan

Isa na namang makulay, madula, matsismis, madrama, malalim, matunggali, malawak, matintriga, masalimuot at komprehensibong showbiz ang umikot at inikutan nating lahat sa linggong, namamalayan man natin o hindi sa gitna ng matitindi ring kaganapan sa labas ng industriya na kumikipil ng kamalayan ng bawat isa sa atin. Sumalipawpaw ang pagpapakita ni KC Concepcion ng kanyang […]

Kailan tatanggapin ng simbahan ang kabaklaan at laban ni Audie Gemora?

May sariling laban si Audie Gemora sa pagtanggap ng simbahan at ng lipunan sa kabaklaan. Ito ay hindi sa pag-amin o hindi ni Audie na siya ay isang bakla kundi ang kanyang pananalig at paniniwala sa pagtanggap ng simbahan sa kabadingan. Kasi nga’y sabi tayo nang sabi na tinatanggap na sa lipunang Filipino ang kabaklaan […]

“Ang Manggagamot (The Faith Healer),” tinanggap nang mabunyi sa FACINE18 ng San Francisco Main Library, California

Isa lang ang Fil-Am na si Nena Marcaida Gastilo sa mga nakapanood ng video documentary drama naming “Ang Manggagamot (The Faith Healer)” na ipinalabas kamakailan sa Koret Auditorium ng San Francisco Main Library sa San Francisco, California kamakailan. Nagustuhan ni Gastilo ang pelikula at ayon sa kanya, ipinagmamalaki niya ang obrang ito. Ito ang nakasaad […]

Mga pelikulang Pilipino, tampok sa FACINE18 sa San Francisco, California

Sinong mag-aakalang aabutin ng labingwalong taon ang FACINE o ang Filipino American Cine Festival na itinatag ng mabunying doktor sa medisina at alagad ng sining na si Mauro Feria Tumbocon, Jr., kilala rin sa tawag na Mau o sa kanyang sagisag-panulat noong siya’y nasa Pilipinas pa na Mike Feria? Si Mike Feria ang kasapi dati […]

Video documentary drama hinggil sa faith healing sa Pilipinas, ipapalabas sa San Francisco, California

Ipinagmamalaki naming ipahayag sa inyong lahat na ang isa sa mga dokyumentaryo namin ay itatanghal sa Estados Unidos. “Ang Manggagamot (The Faith Healer),” isang metang naratibong tungkol sa faith healing sa Pilipinas, ang pamagat ng aming likha. Una nang nalathala sa 15th Puchon International Fantastic Film Festival sa Bucheon City, South Korea, sa Network of […]