Danilo Araña Arao

Danilo Araña Arao

Si Danilo Araña Arao ay propesor sa Departamento ng Peryodismo, Kolehiyo ng Midya at Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya rin ay kawaksing patnugot (associate editor) ng Bulatlat at tagapangulo ng lupon (board chair) ng Alipato Media Center at Kodao Productions.

Pagkamulat sa panahon ng Batas Militar

Ipinanganak ako sa gitna ng nagkukunwaring katahimikan. Lumaki naman ako sa panahon ng aktwal na kaguluhan. Setyembre 21, 1968. Dahil mula sa ordinaryo’t hikahos na pamilya, walang espesyal sa aking araw ng kapanganakan. May ilang kamag-anak na natuwa sa aking pag-uha. Ang aking pag-iyak kasi ay nagsilbing pagpapakilala sa lipunang gagalawan. (Ano kaya ang gustong […]

The Voice of the Philippines at ang `tagumpay’ ni Darryl Shy

Simulan natin ito sa isang nakakagulat na pag-amin. Hindi ako noon tagahanga ni Darryl Shy. Oo, kapuri-puri namang siya lang ang nag-audition sa The Voice of the Philippines (ABS-CBN) sa pamamagitan ng isang progresibong kanta – ang “Tatsulok” (Buklod) na paborito ng maraming aktibista noon pang dekada ’80. Pasensiya na po sa aking inisyal na […]

FOI, CJA at ang argumentong `puwede na’

“Puwede na iyan!” Ito ang madalas na argumento ng isang nagmamadali’t naiinip. Kung matagal na nga namang nakabinbin ang isang bagay, natural lang na kailangan na itong harapin at agad-agad na tapusin. Nababanggit din ang tatlong salitang ito sa sitwasyong hindi malalimang sinuri ang isang bagay at mabilisan itong sinuportahan. Sa konteksto ng isang polisiya, […]

31 Agostong Tanaga ng Peryodista

  August – the eighth month of the Gregorian calendar (Merriam-Webster app) august – marked by majestic dignity and grandeur (Merriam-Webster app)   Agosto 1 Peryodistang makata Nagpumilit tumula May umakmang salita Sa ritmo ng tanaga* Agosto 2 Wala nang talinhaga Para sa mambabasa May mensaheng direkta Ang kunyaring makata Agosto 3 Ulat na mahalaga […]

Pagkatapos ng protesta, ano na?

Hindi na mahirap manghikayat na sumama sa protesta sa Luneta sa Lunes (Agosto 26). Salamat sa midya, may ideya na ang maraming mamamayan sa mga susing usapin. Malinaw na rin ang malawak na pagkakaisa sa mga ito – pagtatanggal sa sistemang pork barrel, pagpaparusa sa mga napatunayang may-sala at pagkakaroon ng transparency at accountability sa […]

Senate Bill No. 380 at ang kursong Peryodismo

Magandang balita ba ang panukalang “Magna Carta for Journalists” si Sen. Jinggoy Estrada? Ang Senate Bill No. (SBN) 380 ay kasalukuyang nakahain sa dalawang komite ng Senado – Public Information and Mass Media; at Labor, Employment and Human Resource Development. Depende sa prayoridad ng mga komiteng ito, maasahan natin ang pagdaraos ng mga public hearing […]

Konsumisyon sa pampublikong transportasyon

Isa nang malaking pakikibaka sa maraming mamamayan ang araw-araw na paggamit ng pampublikong transportasyon. Kung wala kang sariling sasakyan, kailangan mong mas maagang umalis ng bahay para mag-abang ng traysikel, dyip, FX, tren o bus. Kung medyo malayo ang bahay mo sa mga pangunahing lansangan, kakailanganin mo pang maglakad nang medyo mahaba. Masasabing masuwerte ka […]

Usapang UPCAT

Sa loob ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman, nagkalat na ang mga tarpaulin malapit sa mga building na gagamitin para sa UP College Admission Test (UPCAT) ngayong Sabado’t Linggo (Agosto 3 at 4). Siguradong magiging matindi na naman ang trapik papasok ng kampus sa mga araw ng UPCAT. Noong 2012, 76,662 ang nag-apply […]

Aktibista at dominanteng midya

Sa mata ng dominanteng midya, masama ang mga aktibista. Bigyan man sila ng espasyo, asahan mo ang negatibong anggulo. Sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga aktibista, kapansin-pansin sa mga ulat ang pagkiling sa una. Kung may masaktang pulis sa gitna ng rally, strike o picket, may papuri sa diumanong epektibong paggampan sa gawain. […]

May SONA ka ba?

May tanong ang public service announcement (PSA) ng gobyerno: “Ano ang SONA mo?” Para sa akin, mas mainam na alamin muna ang sagot sa isang batayang tanong: “Ano ang SONA?” Dito lang kasi natin masasagot ang pinakamahalagang tanong: “May SONA ka ba?” Kung nais suriin ang konteksto ng taunang state of the nation address (SONA) […]