Danilo Araña Arao

Danilo Araña Arao

Si Danilo Araña Arao ay propesor sa Departamento ng Peryodismo, Kolehiyo ng Midya at Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya rin ay kawaksing patnugot (associate editor) ng Bulatlat at tagapangulo ng lupon (board chair) ng Alipato Media Center at Kodao Productions.

Pagkukunwari sa ngalan ng peryodismo

Para sa estudyanteng kumukuha ng Peryodismo sa kolehiyo, malaking insulto ang ginagawa ng mga bayarang propagandista o hao siao na ito sa paglapastangan sa propesyon.

Salamat, 2013!

Mayroon bang dapat ipagpasalamat sa 2013 na puno ng trahedya at iba pang problema? Oo naman, pero depende sa pasasalamat na gusto nating gawin. May pasasalamat kasing consuelo de bobo. Isang halimbawa ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino matapos manalasa ang bagyong Yolanda noong Nobyembre 8. Kung matatandaan, isang kaibigan ng negosyante sa Tacloban City […]

Propaganda para sa isang tagapagsalita

Sa totoo lang, wala namang masama sa pagsasagawa ng propaganda. Sa katunayan, nakakatulong pa nga ito sa pagpapaliwanag sa publiko. Nagkakaproblema lang tayo kung ginagamit ng “bulag” na tagapagsalita ang propaganda bilang instrument ng panloloko. Naaalala ko ang sinabi sa akin noon ng isang dating senador na ngayon ay nagtuturo na sa isang unibersidad. Ayon […]

Isang makatotohanan at makabuluhang Pasko

May dahilan para pansamantalang magsaya at magpahinga. Pasko na naman, hindi ba? Dito sa Pilipinas, ang Pasko ay okasyon para muling magsama-sama ang mga mahal sa buhay. Kahit na kapos sa pera, pinipilit pa ring magkaroon ng simpleng noche buenang puwedeng pagsaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan. Mahal man o mura, hindi bale na basta’t […]

Simpleng pag-alala kay Prop. Raul Ingles (1929-2013)

Ito ay isang simpleng pag-alala para sa isang indibidwal na may malawak na impluwensiya bilang guro at peryodista. Bilang estudyante ng Peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong huling bahagi ng dekada 80, aaminin kong hindi ako masyadong tumatambay sa Plaridel Hall. Pumupunta lang ako roon tuwing may klase o kung may kailangan akong […]