Danilo Araña Arao

Danilo Araña Arao

Si Danilo Araña Arao ay kawaksing propesor (associate professor) sa Departamento ng Peryodismo, Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Siya rin ay kawaksing patnugot (associate editor) ng Bulatlat Multimedia at nasa board of directors ng Alipato Media Center at Kodao Productions.

Iskandalo at peryodismo

Opo, tungkol ito sa mga sex video ni Dr. Hayden Kho na kumakalat ngayon sa Internet at sa mga lugar sa Pilipinas na nagbebenta ng mga piniratang DVD. Alam kong sawang-sawa ka na sa isyung ito, salamat sa midyang binigyan ito ng napakahabang oras at napakalaking espasyo. Nitong mga nagdaang araw, tila wala nang iba […]

Kontradiksiyon ng ating panahon

Bakit katanggap-tanggap ngayon ang karumal-dumal noon? Kailan nagiging normal ang hindi-pangkaraniwan? Paano matutugunan ang mga problemang hindi nakikita? Kahit na may kasagutan mula sa mga “nasa itaas,” ang hinahanap na tugon ng mga “nasa ibaba” ay pilit na ibinabaon. Ang mga salitang pinagsama-sama ng mga nasa kapangyarihan para magkaroon ng pangungusap ay walang malinaw na […]

Usapang lalaki (2)

(Huli sa dalawang bahagi) Malas kung babae, masuwerte kung lalaki. Sinusukat ang kahusayan ng babae batay sa pamantayan ng pagiging lalaki. Ang kahinaan naman ng lalaki ay hinuhusgahan batay sa diumanong katangian ng babae. Para sa isang babaeng kasing-tapang ng lalaki, binabansagan siya sa wikang Ingles na “woman with balls.” Ang isang lalaking mahina ang […]

Usapang lalaki (1)

(Una sa dalawang bahagi) Mahirap maging babae sa kasalukuyan. Sa panahon ng kilusang kababaihan noong dekada 70 nauso ang kasabihan sa wikang Ingles: “A woman has to work twice as hard to be considered half as good as a man.” Tila pinagkaisahan ng lahat ng insitusyong panlipunan ang kababaihan. Ang pamantayan ng kagandahan ay mababang […]

Wikang Ingles bilang desperadong diskurso

Kakaibang ebolusyon ng wika ang nangyayari ngayon. Ang isang buhay na wika (tulad ng Filipino at Ingles) ay may mga salitang maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan, depende sa lugar na kinaroroonan mo o sa konteksto ng paggamit ng mga ito. Ang ”pagyao” ng isang kaibigan, halimbawa, ay maaaring pagkamatay (kung taga-Maynila ka) o simpleng […]

Trahedya ng pagbabalita

KAHIT na may drama sa istoryang inuulat ng peryodista, hindi dapat maging telenovela ang isang balita. Sa pagkokober ng pinakahuling pangyayari sa pagkamatay ni Trinidad “Trina” Arteche-Etong, asawa ng brodkaster na si Ted Failon, alam nating nagsimula ang telenovela sa seryosong komprontasyon ng mag-asawa dahil sa pera. May spekulasyon ding ang pinag-awayan daw ay hindi […]

Mga bawal sa panahon ng Semana Santa

DAHIL lumaki ako sa pamilyang Katoliko, nakagisnan ko ang napakaraming seremonyang may kaugnayan diumano sa pagpapaunlad ng pananalig sa diyos. Tulad ng maraming bata, parati kong masaya tuwing Pasko at malungkot tuwing Semana Santa. Kung anong ingay ang selebrasyon sa pagkapanganak ni Kristo ay siya namang nakabibinging katahimikan sa komemorasyon ng kanyang pagkamatay. Ang ngiti […]

Para sa estudyanteng nakikibaka

Hindi ito sermon mula sa nakatatanda kundi isang munting paalala. Alam mo na ang iskedyul ng mga kilos-protesta mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng semestre ngayong Marso. Malamang na magpapatuloy pa ang mga ito hangga’t ang Pangulo ay hindi pa bumababa sa puwesto. Inaasahan kang makiisa sa mga ito para ipakita sa mga nasa kapangyarihan […]