Panloloob sa bahay, opisina ng mga aktibista ikinabahala
Ikinabahala ng progresibong mga grupo ang dumaraming insidente ng panloloob sa mga opisina at bahay ng kanilang kasapi at lider. Pinakahuli sa nilooban ang opisina ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region (Bayan-NCR) sa Cubao, Quezon City. Kasama ng Bayan-NCR ang iba pang lokal na progresibong mga organisasyon sa NCR tulad ng Karapatan at ang grupong pangkultura na Sinig Bugkos […]