Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac is a writer and photojournalist.

‘Dahil sa ‘kakarampot’ na COLA: wage board buwagin na’

“Katiting na nga, tiningi pa.” Ito ang sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalhim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa harapan ng tanggapan ng Regional Wage and Productivity Commission sa National Capital Region. Reaksiyon niya ito sa P30 na dagdag Cost of Living Allowance (COLA) na iginawad ng naturang tanggapan sa halip na magbigay ng makabuluhang […]

Hustisya, sigaw para sa mga biktima ng sunog sa Butuan

Nagsindi ng kandila ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para makiramay sa pamilya ng di-bababa sa 17 manggagawang biktima ng sunog sa isang department store sa Butuan City, Agusan del Sur. Hiniling din ng KMU na agarang imbestigahan ang pagkakasunog sa naturang lugar upang mabigyan ng katarungan ang mga namatay at […]

Mga obrero ng malaking hardware nagwelga

Nagwelga ang mga manggagawa sa warehouse ng Co Ban Kiat Hardware, Inc. sa Tambo, Paranaque upang igiit na maibalik ang 103 regular at kontraktuwal na mga manggagawang diumano’y ilegal na tinanggal ng manedsment. Ang Co Ban Kiat Hardware ay supplier ng maraming mga hardware sa buong bansa at pinakamalaking supplier ng Ace Hardware. Ayon sa […]

Bakwit sa ngalan ng ‘kaunlaran’

“Taun-taon, napipilitan kaming lisanin ang aming mga komunidad, ang aming mga tanim na handa nang anihin. Tumitigil sa pag-aaral ang aming mga anak para lamang magtago sa mga lugar na walang kaseguruhan, matulog sa malamig na semento sa mga gym at basketball o eskuwelahan." Ito ang pahayag ng isa sa mga katutubong dumalo sa kumperensiya ng mga Internally Displaced People.

Health worker sa Zamboanga del Norte, inaresto at kinasuhan ng ‘gawa-gawang’ kaso

Inaresto at sinampahan ng kasong murder ang isang health worker at lider-kababaihan sa Zamboanga del Norte. Ayon sa Barug Katungod Mindanao, organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao sa lugar, inaresto ang biktimang si Helen Igloria sa kanyang tahanan ng pinagsanib na elemento ng kapulisan intelligence units ng militar noong Abril 25. Sa pahayag ng grupo, tumatayong […]

Libu-libong obrero magpoprotesta sa Mayo Uno

Pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang aabot sa 30,000 manggagawang lalahok sa pagdiriwang at protesta sa Pandagidigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno sa Metro Manila at aabot sa 100,000 naman sa ibang panig ng buong bansa

Regional Wage Board inisyuhan ng ‘closure order’ ng mga manggagawa

Nagmartsa patungo sa opisina ng Metro Manila Wage Board ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para simbolikong magpaskil ng notice of closure sa ahensiyang diumano’y instrumento lamang nga mga malalaking kapitalista sa pambabarat sa sahod ng mga manggagawa. Kinondena din ng grupo ang pagtutol ng ahensiya na kilalanin ang magkakasunod na […]