Pher Pasion

Si Pher Pasion ay dating Managing Editor ng Pinoy Weekly. Nagtuturo siya ngayon ng wikang Filipino sa Polytechnic University of the Philippines.

Problema sa klasrum, kagamitan sa eskuwela laganap pa rin

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum. Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at […]

Dagdag-suweldo, benepisyo ng guro, kawani iginiit sa Araw ng Maynila

Nagprotesta ang mga guro sa ilalim ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila para ibalik ang tinanggal nilang benepisyo at itaas ng kanilang suweldo Nagmartsa ang mga guro ng Maynila mula Liwasang Bonifacio patungong Manila City Hall at Mendiola. “Imbes na magpahinga at […]

Alcala ng Agrikultura, sinampahan ng kabataan ng kasong pandarambong

Sinampahan ng mga miyembro ng Youth Act Now (YAN) ng kasong plunder si Agriculture Sec. Proseso Alcala sa di umano’y pagiging sangkot nito sa multi-milyong pork barrel scam. Sa 13-pahinang complaint-affidavit na isinumite nila sa tanggapan ng Ombudsman, kinasuhan ng mga lider-kabataan ng “systematic plunder of government resources” sa ilalim ng Republic Act No. 7080 […]

Ang tunay na kalayaan, ayon kay Em Mijares

Sa kalagitnaan ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III para Araw ng Kalayaan na ginanap sa Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, napahinto siya kanyang pagsasalita dahil sa pagsigaw ng ilang kabataan. Isa sa kanila ang hinuli ng mga tauhan ni Aquino sa Presidential Security Group (PSG) at kasalukuyang humaharap sa mga kasong tumults and […]

Pagtanggal ng wikang Filipino sa kurikulum ng CHED, binatikos ng mga guro, kabataan

Dala ang mga isdang sumisimbolo sa pagiging malansa umano sa mga di-nagmamahal sa sariling wika, nagprotesta ang mga guro at mag-aaral sa harapan ng Commission on Higher Education (CHED) laban sa pagtatanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo. Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at League of Filipino Students (LFS) ang nasabing pagkilos […]

Kawani ng kalusugan, sumugod sa Korte Suprema, DBM vs pribatisasyon

Muling sinugod ng mga kawani sa kalusugan ang Korte Suprema para sa agarang pagpigil sa pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC). Hindi pa umano nagbibigay nang ano mang desisyon ang Korte Suprema apat na buwan matapos magsumite ng Certiorari and Prohibition with the Application for the Issuance of Writ of Preliminary Injunction at maging ng […]

Problema sa eskuwela tuwing pasukan lumalala, sabi ng mga guro

Kulang-kulang na mga klasrum, upuan, libro at, siyempre, guro. Ito ang ilan lamang sa mga problema na muling sasalubong sa mga mamamayan ngayong pasukan, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), isang organisasyon ng mga guro sa bansa. Sa kabila nito, tingin ng ACT na tulad ng nakaraang mga taon, hindi handa ang gobyerno na […]

CHED ‘inutil’ sa taas-matrikula, pinasasara ng kabataan

Kinandado ng mga grupo ng kabataang estudyante ang Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City bilang protesta sa “kainutilan (nito) napigilan ang taun-taong pagtataas ng matrikula”. Pinangunahan ng alyansang Rise for Education Alliance ang naturang kilos-protesta. “Isara na lamang itong komisyon na ito dahil wala itong silbi sa kinabukasan ng kabataan. Wala itong ginagawa […]