Pher Pasion

Si Pher Pasion ay dating Managing Editor ng Pinoy Weekly. Nagtuturo siya ngayon ng wikang Filipino sa Polytechnic University of the Philippines.

LARAWAN | Nora Aunor, pinarangalan ng mga guro bilang ‘pambansang artista ng mamamayan’

“Kapuri-puri ang walang pasubali at buong-husay niyang pagganap sa piling mga pelikulang kontrobersiyal dahil sa pagtalakay at pagsusuri sa mga isyung panlipunan.” Iyan ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa paggawad kay Nora Aunor bilang “Pambansang Artista ng Mamamayan” nitong Agosto 29 sa Tanghalang Bayan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa […]

Luistro ng DepEd, nangakong susuporta sa dagdag-sahod ng guro

Panghahawakan ng mga guro ang kanyang pangako. Ito ang sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) bilang reaksiyon sa paghayag ng suporta ng Department of  Education (DepEd) sa pangunguna ni Sec. Armin Luistro sa laban ng mga guro para sa dagdag-sahod. Inihayag ni Luisitro ang naturang pangako sa diyalogo sa pagitan ng mga guro ng […]

Pambansang badyet sa 2015, ‘pork barrel budget’ pa rin

Inuulan na ng batikos mula sa iba’t ibang panig ang administrasyong Aquino dahil sa pagkakasangkot sa eskandalong pork barrel—ng mga kaalyado man nito sa Kongreso o maging ng mismong pangulo sa uri ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Pero hindi pa rin ito nakapigil sa pagpasok ng mala-pork barrel na alokasyon sa 2015 pambansang badyet. Sa […]

Health workers, nanawagan na ring ‘patalsikin si Aquino’

Nanawagan ang mga kawani sa kalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) ng pagpapatalsik sa puwesto ni Pangulong Aquino. Dahil umano ito sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklara ng ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas. Ayon sa AHW, sumasahol umano ang kalagayan ng mga kawani sa kalusugan sa […]

Peach ribbon protest laban sa DAP, dinala sa Gate 7 ng Malakanyang

Dinala mismo sa Gate 7 ng Malakanyang ang protesta ng #ScrapThePork Alliance, Anakbayan-Manila, at Gabriela-National Capital Region laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Tinakpan nila ang kanilang mga mata ng peach ribbons na simbolo ng ni Lady Justice. Nagsagawa ng peach ribbon campaign ang mga grupong kontra-DAP at bilang simbolo ng pagsuporta nila sa impeachment […]

Pista-protesta para sa wikang Pilipino, isinagawa sa Mendiola

Nagmartsa patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola sa Maynila ang mga propesor, mag-aaral, at iba pa sa ilalim ng Tanggol Wika, isang alyansa na tumututol na tanggalin ang Wikang Filipino sa kolehiyo. Tinawag nilang Pistang Protesta para sa Wika at Bayan ang nasabing pagkilos. Layon kasing gawin na lamang optional ang pagtuturo ng Wikang Filipino […]