Pher Pasion

Si Pher Pasion ay dating Managing Editor ng Pinoy Weekly. Nagtuturo siya ngayon ng wikang Filipino sa Polytechnic University of the Philippines.

Pagpaslang sa mga mamamahayag sa ilalim ni Aquino, pinuna ng Human Rights Watch

  Bigo ang gobyerno ng Pilipinas na sundan ng makabuluhang aksiyon ang retorika nitong pagsuporta sa karapatang pantao at pagwakas sa impunity, o kawalang pakundangan. Sa World Report 2014 ng pandaigdigang grupong pangkarapatang pantao na Human Rights Watch (HRW) na inilabas kamakailan, sinabi nitong repleksiyon ng pagtaas ng bilang ng pinatay na mga mamamahayag ang […]

‘Palasyo, hugas-kamay sa Yolanda’

Hugas-kamay na parang si Pilato sa pagkamatay ni Kristo. Ganito inilarawan ng kabataan sa kanilang kilos-protesta sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola Bridge. Sagot umano ito sa panukala ng administrasyong Aquino na gawing National Day of Prayer ang Enero 20 para sa mga naging biktima ng mga sakuna noong 2013. “Parang si Pilato…ang pagpapanggap ng […]

‘Blackout protest’ sa Enero 21 vs taas-singil sa kuryente, ikinasa

Isang blackout protest, o pagpatay ng mga ilaw bilang protesta, ang ipinanawagan ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) sa publiko sa Enero 21 laban sa nakaambang taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco). Kasabay ng panawagan ng nasabing mga grupo sa publiko na sabay-sabay magpatay ng kani-kanilang mga ilaw sa ganap na 7 […]

Kabataan, nagprotesta vs taas-singil sa MRT, LRT

Nagprotesta ang kabataang miyembro ng Kabataan Party-list laban sa nakaambang pagtaas ng singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Ginawa nila ito sa tapat ng estasyon ng LRT sa Legarda sa Maynila kamakailan. Ayon kay Anna Katrina Flores ng Student Christian Movement (SCM), magiging dagdag na pasanin na naman […]

Refund mula sa sobrang singil ng Meralco, iginigiit ng Gabriela

Nagpiket ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa harap ng opisina ng Manila Electric Co. (Meralco) sa Kamuning, Quezon City para ipanawagan ang sistematikong balik-bayad (refund) sa sobrang singil sa kuryente noong Disyembre sang-ayon sa temporary restraining order (TRO) na desisyon ng Korte Suprema. Nagsimulang maningil ang Meralco sa mga konsiyumer nito ng dagdag na P4.15 […]

Mga militante, nanawagan ng pagbasura sa WTO sa embahada ng US

Sumugod ang iba’t ibang progresibong grupo sa embahada ng US sa Manila para ipanawagan ang pagbasura sa World Trade Organization noong Biyernes, Disyembre 9. Bahagi umano ito ng Global Day of Action laban sa WTO na nagsagawa ng ika-9 na Ministerial Meeting sa Bali, Indonesia mula Disyembre 3 hanggang 6. Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) […]

Bagyong Yolanda: Ang mga iniwang bakas

Kalat-kalat na mga kahoy, nagtumbahang mga poste, wasak na mga bahay at establisimyento, naipong mga kalat sa tabi ng kalsada, mga punong halos walang dahon, naburang komunidad, mga patay na nakahilera sa kalsada (at pinaniniwalanag marami pa ang nasa ilalim ng mga debris na hindi pa nagagalaw), mga nakaligtas sa hagupit ng bagyo na inililigtas […]

Black Christmas campaign, isasagawa kontra pribatisasyon ng mga ospital

Sinimulan kahapon ng mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) ang kanilang black Christmas campaign na serye ng protesta ngayong Disyembre laban sa mababang badyet sa kalusugan at pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC) at iba pang pampublikong ospital. Nitong Nobyembre 21 umano nagkaroon ng kasuduan sa prinsipyo ng pagsasapribado ng […]

Mga Larawan | Kabataang Makabayan, nanawagan ng ‘pagpapatuloy ng rebolusyon ni Bonifacio’

Kasabay ng ika-150 anibersaryo ng pagkabuhay ng lider-rebolusyonaryo ng Katipunan na si Andres Bonifacio sa Nobyembre 30, ipinagdiriwang din ng Kabataang Makabayan (KM) ang kanilang anibersaryo ng pagkakatatag. Para sa KM, kailangang ipagpatuloy ng kabataang Pilipino at mga mamamayan ang naantalang rebolusyon ni Bonifacio. Aktibong ipinapanawagan ng naturang grupong underground ang armadong pakikibaka para mapalitan umano […]