Pher Pasion

Si Pher Pasion ay dating Managing Editor ng Pinoy Weekly. Nagtuturo siya ngayon ng wikang Filipino sa Polytechnic University of the Philippines.

Korporatisasyon ng pampublikong mga ospital, minamadali sa Kamara

Hindi lamang ang 26 na publikong ospital ang nakataya kung matuloy na maipasa ng House Bill 6145 at House Bill 6069, gauyundin ang Senate Bill 3130. Nakataya rito ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa serbisyong pangkalusugan. Ito ang mensaheng nais ipaabot ng sektor ng pangkalusugan mula sa mga publikong ospital sa harap ng Kamara […]

Pagbawal na manganak sa bahay, tinutulan ng sektor pangkalusugan

Ipinakita ng sektor pangkalusugan ang kanilang pagtutol sa pagpapatupad ng No Home Birthing Policy ng administrasyong Aquino sa isang piket-rali sa harapan ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ng Kilos Bayan para sa Kalusugan (KBK). Layunin ng No Home Birthing Policy na inilabas ng DOH noong 2008 ang pagbabawal sa panganganak sa mga bahay. […]

Maralitang lungsod, handa sa banta ng ‘pagpapasabog’ ni PNoy

Bagamat binawi ng administrasyong Aquino ang deklarasyong “pasasabugin” nito ang mga komunidad ng mga maralita sa lungsod (dahil sanhi raw sila ng baha), batid ng mga maralita: Seryoso rito ang gobyerno. Katunayan, matagal na silang pinasasabugan. Matagal na silang dinadahas. Kasabay ng paniningil ng mga mamamayan sa mga kaso ng sapilitang pagdukot sa ilalim ng […]

Pagkulong, pang-aabuso sa 4 na kabataang aktibista binatikos

Kinondena ng Kabataan Party-list ang pag-aresto at pagkulong sa mga kabataang aktibista sa Davao City. Inaresto ang apat na kabataan matapos magprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan sa pinagtatalunang Bariquit Compound, Bugac, Maa noong Agosto 25. “Hindi lamang ilegal na inaresto ang kapwa naming kabataan, sila rin ay minaltrato at inabuso ng mga pulis. […]

Isang komprehensibong kritika sa SONA ni PNoy

Marami nang nagsilabasang mga pagsusuri sa State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno Simeon Aquino III, mahigit isang linggo matapos ito ipahayag ng pangulo. Pero tila wala pa ring kaliwanagan: Ano ang kabuluhan nito sa pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong mga mamamayang Pilipino? Kinapayam ng Pinoy Weekly ang progresibong ekonomista na si Sonny […]

Gobyernong sa dayuhan sumusunod: Panatilihing mababa ang sahod

“Si PNoy na mismo ang nagsalita sa harap ng mga manggagawa na wala sa puwesto ang dagdag-sahod sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas ng mga bilihin at serbisyong panlipunan. Isang maka-negosyante, maka-kapitalista at kontra-manggagawang pangulo.” Ito ang nangangalit na tugon ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa usapin ng panawagang dagdag-sahod para […]

‘Dead end’ sa dalawang taong pagtahak ng kabataan sa ‘daang matuwid’

Inilabas ng militanteng kabataan ang kanilang galit sa administrasyong Aquino sa isinagawang walk-out sa kanilang mga pamantasan. Dismayado umano sila dalawang taong panunungkulan ni Aquino. Bitbit ang kanilang mga panawagan, nagtipon ang daan-daang mga nag-walkout na kabataan sa harap ng University of Sto. Tomas sa Espana Avenue at tumulak sa paanan ng Mendiola kung saan […]

P6,000 muling iginiit sa Malakanyang ng mga kawani ng gobyerno

Binatikos ng mga kawani ng gobyerno ang umano’y patuloy na pagpapabaya ng administrasyong Aquino sa kanilang panawagang makabuluhang umento na P6,000. Sa piket sa Mendiola, Manila sa harap ng Malakanayang na pinangunahan ng Wage Fight, alyansa ng mga manggagawa sa gobyerno sa pangunguna ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, […]