Pinoy Weekly Staff

Matagal na pagboto, palpak na makina naitala ng grupong watchdog

Mga delay sa pagbubukas ng mga presinto at nasisirang Precint Count Optical Scans (PCOS) machines ang ilan sa pinaka-karaniwang problema sa pagbubukas ng botohan ngayong Mayo 10, ayon sa grupong poll watchdog na Workers’ Electoral Watch (WE-Watch). Kabilang sa mga namonitor ng WE-Watch ang umuusok na mga PCOS machines, tulad ng nangyari sa Precint 2590A […]

Comelec, nanlilinlang hinggil sa OAV?

Mariing binatikos ng Migrante International ang umano’y “maling” presentasyon at paggamit ng Comelec (Commission on Elections) sa paunang resulta ng Overseas Absentee Voting (OAV) para ipakitang mananatiling mataas ang voter’s turnout bukas sa kabila ng malaganap na problema sa pagdaos ng automated na halalan. Sa huling press conference ng Comelec ngayong hapon, sinabi nitong ipinapakita ng itinakbo ng […]

86 dayuhan bibisita sa election hotspots para mag-obserba

Bibisita sa election hotspots sa iba’t ibang panig ng bansa ang 86 international observers na kalahok sa People’s International Observers Mission (PIOM). Nagmula sa mga bansang Australia, Canada, United States, United Kingdom, Japan, Hongkong, Taiwan, France, Germany, Denmark at The Netherlands ang mga dayuhan na dumating kahapon para bantayan ang unang automated elections sa bansa. Kabilang […]

Eleksiyon wala nang kredibilidad — Bayan, Kontra Daya

Wala nang kredibilidad ang darating na eleksiyon, automated man o manwal, ayon sa Kontra Daya at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na kabilang sa mga grupong sumugod sa Commission on Elections (Comelec) ngayong araw para kondenahin ang mga kapalpakan sa paghahanda para sa Mayo 10. Nagkakaisa ang mga grupo na bahagi ng isang sistematikang plano ng pagsabotahe […]

Noynoy Aquino: Anong Demokrasya?

Kung para sa demokrasya si Noynoy Aquino, hindi niya dapat isantabi at siraan ang mga progresibo, ayon sa bidyo-ulat na ito hinggil sa pakikitungo sa Kaliwa ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo. Ang pagiging malapit ni Aquino sa social democrats at hindi pagtugon sa ugat ng rebelyon ay senyales umano na posible ang pinakamasasahol na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang rehimen, kung sakaling manalo.

Paano bumoto?

1. Katulad sa manwal na halalan, magpakilala sa Board of Election Inspectors (BEI) sa presinto kung saan kayo nakarehistro. Ang oras ng pagboto ay mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. 2. Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan: – Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa Election Day Computerized Voters’ List […]

Arroyo, hinamon na sagipin ang Kabalen na OFW

Nanawagan ang Migrante-Middle East kay Pangulong Arroyo na kumilos para sagipin ang buhay ng 30-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joseph (di tunay na pangalan), na hinatulan kamakailan ng korte ng Saudi Arabia ng parusang kamatayan dahil sa diumano’y pagpatay ng kanyang landlord na Sudanese noong nakaraang taon. Tubong Mexico sa Pampanga, probinsya […]