Pinoy Weekly Staff

Dagdag-sahod, itinutulak na pangontra sa pagtaas ng presyo at tagtuyot

Kailangan ang makabuluhang dagdag-sahod sa buong bansa para makontra ang epekto ng matinding tagtuyot at sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo, giit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list. Nagsagawa ang mga grupo ng rali sa Mendiola noong Abril 9 para tuligsain ang umano’y kawalang-aksiyon ng gobyernong Arroyo sa matagal nang panawagan ng mga […]

Ang paborito kong tula

Ano ang paboritong tula nino? Silipin ang paboritong tula ng ilang personalidad.

Video: Mamamayan pinaghahanda sa failure of elections at pag-aalsang bayan

Sa “Martsa ng Maralita” noong Marso 26, ipinakita ng mga maralitang lungsod at iba pang grupo ang kanilang disgusto sa umano’y siyam-na-taong “kalbaryo” sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Arroyo. Ipinaliwanag ni Renato Reyes Jr., convenor ng Kontra Daya, ang posibleng senaryong failure of elections at no proclamation. Hinikayat niya ang mga mamamayan na maging […]

5 detenidong estudyante ng PUP, umani ng suporta

Umani ng suporta ang limang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na patuloy na naka-detine sa Manila Police District kaugnay ng “pagnanakaw” diumano ng mga silya bilang protesta sa 1,700 porsiyentong pagtaas ng singil sa matrikula sa unibersidad. Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, malinaw na porma ng “panghaharas” ng administrasyon ng PUP […]

Permanent residency ni Sison, iginiit ng Pinoy sa Hong Kong

Iginiit ng mga Pilipino sa Hong Kong na dapat nang ipagkaloob ng gobyernong Dutch ang permanent residency at iba pang karapatan kay Prop. Jose Maria Sison, kilalang political refugee, sa isang piket sa harap ng Dutch Consulate ngayong araw. Isinumite ng Hong Kong Committee to Defend the Rights of Prof. Jose Maria Sison (HK Defend) […]

Tortyur ng militar sa menor-de-edad, kinondena

Kinondena ng Kabiba Alliance for Children’s Concerns ang pinakahuling kaso ng umano’y paglabag sa karapatang pantao ng mga menor-de-edad na binansagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang “child soldier” ng New People’s Army (NPA). Ayon sa grupo, inaresto noong Marso 7 sa Monkayo, Compostela Valley at dinetine nang mahigit 36 oras ang 13 […]

Sahod lalong mapapako kapag naging House Espiker si Arroyo -KMU

Nakaamba ang mas mahabang pagkapako ng sahod ng mga manggagawa o wage freeze kapag naipuwesto bilang House Espiker si Gloria Arroyo, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Ito ang reaksiyon ng militanteng sentro ng paggawa sa pahayag ni Gob. Ben Evardone ng Eastern Samar na may sapat na bilang na mga tagasuporta ang pangulo sa […]

‘Gloria lampas 2010’, tututulan sa Marso 26 martsa

“Panawagan namin sa mga mamamayan: huwag lang bantayan ang ating boto. Bantayan natin ang mga pihit ng sitwasyon sa eleksiyon at ang mga hakbangin ni Ginang Arroyo.” Ito ang pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa isang press conference kamakailan kung saan inanunsiyo ng iba’t ibang grupo ang isang malakihang martsa […]