Mga Ampatuan: Mabangis na alyado ng Malakanyang sa Maguindanao

November 24, 2009

Kilalang malapit na alyado ng Malakanyang ang mga Ampatuan. Katunayan, noong 2004, dineklara ni Ampatuan Sr. ang Maguindanao bilang “Arroyo country”, na siyang nagdeliber ng pinakamalaking boto para kay Arroyo. Noong 2007, naulat ng Pinoy Weekly ang balita ng matinding pandaraya diumano sa naturang probinsiya na sinasabing pinangunahan ng mga Ampatuan.

Masaker sa Maguindanao, atake sa demokrasya

November 23, 2009

Hindi lamang atake sa kalayaan sa pamamahayag, kundi atake mismo sa demokrasya ng bansa ang pamamaslang sa di bababa sa 36 katao, kabilang ang mga mamamahayag at abogado, sa Maguindanao. Ito ang reaksiyon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pamamaslang na ayon sa Armed Foces of the Philippines ay isinagawa ng […]

Video: Paggunita sa ikalimang anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita

November 23, 2009

Nagkabaraban papunta sa Hacienda Luisita sa Tarlac City ang halos 2,000 katao para gunitain ang ika-5 anibersaryo ng masaker sa asyenda noong Nobyembre 16, 2004, na ikinamatay ng pitong manggagawang-bukid. Iginiit ng progresibong mga grupo ang tuluyang pamamahagi ng mga lupain na pagmamay-ari ng pamilya Cojuanco-Aquino. May 2,000 ektarya ng asyenda ang kasulukuyang binubungkal ng mga magsasaka.

Pandaigdigang Krisis Pampinansiya: Mga Susing Sulatin

April 22, 2009

SA KABILA ng pagmamayabang ng gobyernong Arroyo na estable ang ekonomiya ng Pilipinas at hindi gaanong maaapektuhan ng pandaigdigang krisis pampinansiya, lalong lumala lamang ang dati nang kritikal na kondisyon ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Tumindi ang tanggalan sa hanay ng mga manggagawa, kasama na ang sa hanay ng mga nangingibang-bansa na siyang isa […]