PW Staff

Con-Ass pansamantalang nadiskaril sa desisyon ng SC –Bayan

Pansamantalang nadiskaril ang mga nagsusulong ng Constituent Assembly dahil sa pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ni Atty. Oliver Lozano laban sa House Resolution 1109, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). “Ang ibigsabihin nito, hindi matutupad ang hiling ng mga kaalyado ni Arroyo na agad na magdesisyon ang Korte Suprema hinggil sa kawastuhan ng HR […]

Pimentel: Pederalismo huwag gamitin sa adyenda ni GMA

Nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino Q. Pimentel, Jr. sa mga kaalyado ni Pangulong Arroyo sa Kongreso na huwag gamitin ang kanyang adbokasiya sa pederalismo para isulong ang umano’y makasariling adyenda ni Arroyo para sa Charter Change. Inihayag kamakailan ni House Espiker Prospero Nograles na kakausapin nila ang mga senador na pabor sa pederalismo at […]

Halalang walang kaseguruhan

Walang mapanghahawakan ang taumbayan kundi ang sarili nilang pagkakaisa at determinasyon na biguin ang anumang tangkang madiskaril ang halalan

Sa abolisyon ng IALAG, paglaya ng detenidong pulitikal hiniling

SINALUBONG ng Karapatan, alyansang nagtataguyod sa karapatang pantao, ang abolisyon ni Pangulong Arroyo sa Inter-Agency Legal Assistance Group o IALAG. Pero iginiit ng grupo ang pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal na umano’y sinampahan ng gawa-gawang mga kasong kriminal sa tulong ng IALAG. Noong Mayo 15, pinirmahan ni Arroyo ang Executive Order (EO) 808 na nagbubuwag […]

Mga Larawan: Humigit-kumulang 12,000 katao nagrali sa Makati kontra sa Con-Ass

Mga eksena sa Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Makati noong Hunyo 10. Mula 13,000 hanggang 15,000 ang tinatayang bilang ng mga dumalo sa kilos-protesta laban sa planong Charter Change ng mga alyado ng Malakanyang sa Kamara. Ayon sa oposisyon, simula lamang ito sa mga serye na lulundo sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Abagan ang susunod na kabanata.

Pulong ng grupong party-list sa Cagayan sinalakay

Isang pulong ng mga grupo ng party-list na kinabibilangan ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, at Kabataan ang sinalakay ng pinaghihinalaang mga elemento ng militar sa Cagayan Valley noong madaling-araw ng Hunyo 11. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, tinatayang 30 armadong lalaki na nakaunipormeng militar ang sumalakay at tumangay sa […]

Video: Tuloy ang laban ng magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa

Ayon sa mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, magpapatuloy ang pangangamkam ng lupa at konsentrasyon nito sa kamay ng iilang panginoong-maylupa at korporasyon dahil sa ipinasa ng Kongreso na limang-taong ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Gayunpaman, magpapatuloy diumano ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa, dahasin man sila ng gobyernong Arroyo gaya ng ginawa nito sa kanilang kilos-protesta kontra sa CARP at Constituent Assembly noong Hunyo 4.

Pagpaslang sa lider-magsasaka, tugon ni Arroyo sa protesta sa Con-Ass?

Pinaslang ang lider-magsasaka na si Fermin Lorico bilang tugon ng gobyernong Arroyo sa lumalakas na protesta laban sa Constituent Assembly (Con-Ass). Ito ang reaksiyon ni Rafael Mariano, kinatawan ng Anakpawis Party-list at tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), sa pamamaslang kay Lorico sa Dumaguete City bandang 4:20 ng hapon kahapon, Hunyo 10. Galing sa […]

Di banta sa paghahari ng mga panginoon

Tila masyadong madali para paniwalaan pa. Laluna’t kung isasaalang-alang natin ang mapait na huling 21 taon ng CARP – 21 taon ng patraydor na pagkait sa mga magsasaka sa tunay na repormang agraryo sa pamamagitan ng samu’t saring palusot at pagbabagal para lamang hindi mapamahagi ang mahigit dalawang milyong ektarya ng lupaing sakahan sa bansa.