Video: Makaraan ang 10 taon, Visiting Forces Agreement lalong inaayawan ng mga Pilipino
Sa ika-10 anibersaryo ng Visiting Forces Agreement noong Mayo 27, 2009, dinig ang panawagan ng mga mamamayang Pilipino na ibasura ito.
Sa ika-10 anibersaryo ng Visiting Forces Agreement noong Mayo 27, 2009, dinig ang panawagan ng mga mamamayang Pilipino na ibasura ito.
Matagal nang umiiral ang isang pyudal na sistemang panlipunan kung saan ang kapangyarihan—politikal at personal—ay ginagamit para sa pagkakamit ng mga layuning malayo sa makatao. Ito ang siyang dahilan kung bakit naaabuso ang mga bata’t kababaihan, sa porma man ng mga sex video o pagpapaloob sa kanila sa mga BDS.
Nanawagan si Gabriela Rep. Liza Maza sa Commission on Elections (Comelec) na gawing mas madali at abot-kaya sa mga botante ang proseso ng rehistrasyon lalo sa mahihirap. Sa paglulunsad ng “Babae Ka, May Sey Ka!”, kampanya para maengganyo ang kababaihan na bumoto sa 2010 elections, sinabi ng kongresista na mahirap lalo para sa mga first-time […]
Kinampihan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang tatlong malalaking kompanya ng langis sa pagpayag sa Petron, Caltex, at Shell na patuloy na gamitin ang kontrobersiyal na Pandacan Oil Depot. Kinondena ng Kalikasan-People’s Network for the Environment ang pagpirma ni Lim noong Mayo 28 ng City Council Ordinance 7177, na umano’y “pagbebenta” sa mga residente ng […]
Kinondena ng Karapatan and “malisyosong” mga pahayag ng Philippine Human Rights Committee (PHRC) kamakailan na gawa-gawa lamang ng grupong pangkarapatang pantao ang pagdukot sa isang Filipino-American at dalawang iba pang volunteer health workers sa La Paz, Tarlac. Sa isang pahayag noong Mayo 27, sinabi ng PHRC na gawa-gawa lamang ng karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang […]
Sinalubong ng protesta ng Junk VFA Movement, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Gabriela, at iba pang mga grupo ang 10 taong anibersaryo ng Visiting Forces Agreement (VFA) noong Mayo 27, tatlong araw bago ang napapabalitang pagbisita ni US Defense Secretary Robert Gates sa Pilipinas. Nagmartsa ang mga demonstrador mula Kalaw at Taft Ave. patungo sa Rajah […]
Ginunita sa Plaza Miranda sa Maynila noong Mayo 20, 2009 ang unang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Crispin "Ka Bel" Beltran.
Nangangamba si Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino na darami ang bilang ng out of school youths ngayong pasukan dahil sa patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga eskuwelahan. Hiniling ng kabataang kongresista sa programang Brigida Balik-Eskwela ng Department of Education (DepEd) na agarang tugunan ang problemang ito. “Mas mahirap maakses ng […]
Talamak ang kawalang kapananagutan sa pamahalaan, at maging sa mga galamay nito sa ibayong-dagat. Ang tinuturong may sala sa mga krimen laban sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, patuloy ang pananatili sa kapangyarihan.