Rogelio L. Ordoñez

Isang premyadong manunulat si Rogelio L.Ordoñez– kuwentista’t nobelista, makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay at Gawad Alejandro G. Abadilla bilang “malikhaing manunulat at militanteng peryodista.” Pinarangalan din siya ng probinsiya ng Cavite bilang Progresibong Caviteño sa larangan ng panitikan, at ng mismong bayan niya ng Imus bilang natatanging taga-Imus sa literatura.

Am Hearing Your Lamentations

am hearing your lamentations la tierra pobreza land of poverty and sorrow land saturated by the blood of the oppressed class disgraced by injustices enslaved by exploitation your cries reverberating on the wings of the easterly wind yes, am hearing your lamentations even on the chirping of the sparrows piercing and slashing my soul on […]

Sa Pasigan Ng Kamalayan

sa pasigan ng kamalayan hinihintay ko tsunami ng ngitngit ng sambayanan… sa laot ng dagat ng kamulatan dumadagundong na’t dumaramba nag-aalimpuyong alon ng dugo’t luha ng dinustang mamamayan. daluyong kaya silang dadaluhong sa pader ng kasakiman lulunod sa mga eskribano’t pariseo sa mga hari-haria’t diyus-diyosan ng lipunang walang galang sa sagrado nating karapatan? wawasakin na […]

Alay Sa Bayaning Mandirigma (Gat. Andres Bonifacio)

(Tula –sa kanyang 150 taong kaarawan sa Nob. 30) sa mahigit na tatlong daang taon inalipin ka, ikaw, indio, ng ating la tierra pobreza dumaong sila mula sa banyagang dalampasigan silang mga puting panginoon ng dusa’t inhustisya upang itarak sa iyong puso’t isipan espada at krus para ika’y pagharian ginayuma ka, indio, ng maningning at […]

Bakit Kami’y Inyong Pinapatay?

kami ang nagtatanim ng palay naghahawan ng mga damo sa tubuhan at nagpapabulas sa mga gulay nag-aalaga sa manggahan at pinyahan upang inyong mga labi’y masiyahan at humalakhak ang inyong tiyan. kami ang maghapong gumagawa nagbubungkal ng inyong lupa upang buhay ninyo’y sumagana at lumagi kayong pinagpala. bakit kami’y inyong pinapatay? kami ang alipin sa […]

Di Sila Nilamon Ng Lupa

di sila nilamon ng lupa / silang namayapa sa pakikibaka / para sa laya’t ligaya / ng bayang pinakasisinta / nasa pagaspas sila ng amihan / nasa langitngit ng kawayan

Anino Ng Bayan Ko’y Nilamon Ng Dilim

isang gabing walang kumikindat ni isang ulilang bituin sa papawirin ng mga sagimsim at piniringan-binulag ng itim na ulap ng mga panimdim malamlam na mata ng tulalang buwan anino ng bayan ko’y nilamon ng dilim. paano matutupad sagradong mithiin mapalayang lubos sa mga hilahil anino ng bayan kong nilamon ng dilim? nais kong itanong sa […]

Tuwing Umuulan

tuwing umuulan naaalaala ko luha ng mga sawimpalad luha ng mga supling ng dalita luha ng mga inalipin ng inhustisya luha ng mga ibinilanggo ng pagsasamantala tumutulo ang mga luhang iyon sa mabahong estero inaanod ng baha ng kawalang-pag-asa kasama ng nagibang mga dampa luha iyon ng dalamhati ng lahi sumisiksik sa mga kanal at […]

Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag

kahit malimit tayong nagugutom at kinakayod tumigas na tutong sa puwit ng kalderong ginahasa ng panahon tuloy pa rin madamdamin nating paglalakbay sa pagitan ng dilim at liwanag habang nagsasayaw sa telon ng balintataw nagliliyab na mga gunitang hitik sa mithiing dakila sinusuhayan ng mga ugat niyon pinatatatag ng puno niyong sintigas ng kamagong mga […]

Tapos Na Ang Pista’t Karnabal

natapos na ilang araw na pista sa tierra pobreza pinagpahinga na sa simbahan mga santo at santa nalustay na multi-bilyong piso ng mga juan at juana kailan uli susunod na pista? giniba na tanghalan ng kahangalan ng ilusyon at kasinungalingan nagsara na beto-beto sa peryahan itinupi na telong asul ng karnabal hangal na mga payaso’y […]

Musika Mo’y Minamahal Ko

(Tula — malayang salin ng orihinal kong Your Music I Love) musika mo’y minamahal ko mga tunog ng tambol sa maitim, nananangis na gabi umaatungal na ritmo ng mga putok ng baril sa labirinto ng kaisipan ko hitik sa sumisikdong kadensang humahagupit na lintik sa gulugod ko naglulundo sa dagundong ng sumabog na mga bombang […]