Rogelio L. Ordoñez

Isang premyadong manunulat si Rogelio L.Ordoñez– kuwentista’t nobelista, makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay at Gawad Alejandro G. Abadilla bilang “malikhaing manunulat at militanteng peryodista.” Pinarangalan din siya ng probinsiya ng Cavite bilang Progresibong Caviteño sa larangan ng panitikan, at ng mismong bayan niya ng Imus bilang natatanging taga-Imus sa literatura.

May Tula

oo, mga makata ng inaaliping lahi may tula nga sa gumagapang na langgam sa nalaglag na mga butil ng asukal o sa kumikiwal na uod sa nabubulok na laman o sa dumarapong langaw sa ninananang kamay may tula rin sa nagdurugong puso o sa himutok at tagulaylay ng pangungulilang sinlamig ng yelo ng mga nilikhang […]

Hijo y Hija de Puta

hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo […]

Gunitain

gunitain / silang binaril sa bunganga / silang pinutulan ng dila / dahil isiniwalat / mga lihim at hiwaga / sa palasyo ng mga pinagpala

Luha Ng Dalamhati Ng Lahi

sa ilang dekada nating paglalakbay sa gubat ng dilim at sagimsim mga anino tayong walang mukha ni pangalan sa aklat ng kasaysayan mga dugo tayong idinilig sa damuhang naninilaw mga kalansay tayong iniukit sa pader ng kaapihan mga nota’t lirika tayo ng musikang nanunumbat-lumalaban sa karimlan ng ating bayan! ngunit sa bawat pagpatak ng luha […]

Di Ako Manunulat

di ako manunulat / gaya ng dinadakila sa mga aklat / o sinusuob ng papuri’t pabango / sa maluningning na entablado

Maita (Ka Dolor) Gomez

nang sumilakbo sa iyong ugat / dugo ng mga sawimpalad / at dumagundong sa iyong puso / hagulhol ng mga dukha / tinalikuran mo, maita, / tanghalan ng balatkayo