Rolando B. Tolentino

Rolando Tolentino was Dean of the College of Mass Communication at the University of the Philippines-Diliman. He is also the Chair of the Board of Directors of Pinoy Media Center.

Sky Garden at daluyan sa kawalan

Sky Garden ang pinakamatingkad na inobasyon sa SM North. Para itong nakalutang sa ere, nakatuntong ang buong complex ng restaurants, café, fountain, makukulay at geometrikong artwork, at hardin sa transport hub at parking sa ground level. Ito ang nasa pinabukana ng bagong edifice ng SM North, The Block at Annex. Daluyan ang Sky Garden ng […]

Telebiswal na libing ng santa

Kaiba ang libing na naganap. Habang ayon sa ulat, tatlong daang libong tao ang sumugod sa lansangang dadaanan ng kabaong na nakahimlay sa ibabaw ng trak, milyon-milyon naman ang nakiisa sa kanilang telebisyon at radyo. Holiday ang araw na ito pero marami ang nagkusa na magpahayag ng interes, kuriosidad at pakikiisa. Pinaghandaan ang lampas na labindalawang oras […]

Pagkain bilang diskursong estado

Alanganin naman raw pakainin ang presidente ng republika sa isang hotdog stand sa New York City?  Ito ang isa sa mga sagot ng spin doctors ni Gloria Arroyo hinggil sa kaso ng $20,000 hapunan ng kanyang grupo sa mamahaling Le Cirque.  Rasyonal ang paliwanag.  Kahit pa nga bagong yabang naman ni Joseph Estrada ay sa […]

Nawawala nga ba ang umaalis na mga kasama?

Kamakailan ay tatlong mga guro at kasama ang nagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Matagal silang mawawala, mula walong buwan hanggang ilang taon. Pawang pag-aaral at pananaliksik ang kanilang pagtutuunan ng pansin sa ibang bansa. May nagtanong kung di ba ako nalulungkot sa pag-alis ng mga kaibigan. At mabilis akong sumagot na hindi. Ito […]

Sa dambana ng Kinatay

Hindi ko gustong naririnig ang direktor at manunulat na tinatalakay ang kanilang obra. Parating sobra, wala naman ito sa natunghayan pero mala-magic na ipapaliwanag ng artist na ito ang kanyang layon. Sa literatura, sinasabing “the author is dead” sa akto ng pagbabasa. Walang babalingan na awtor bilang sanggunian kung ano ang kanyang intensyon o kung […]

Let’s do this!

May mga one-liner na binabanggit sa sarili sa angkop na pagkakataon. Tuwing dadalo ako sa pagkilos, ito ang nasasambit ko. Sa pagkakataon ng paghahanda para sa SONA ni Arroyo, sa pagtiyak na ito ang kanyang magiging huli, kahit pa kasagsagan ng init, sumama ako sa walk sa University Oval. Mula sa Masscom, patungo at pabalik […]

Xeroxing ng Manila

May intra-subgenre ang “city films.” Maaring pumaloob sa social melodrama (Maynila sa Kuko ng Liwanag, ang kinikilalang opening film ng second golden age, ni Lino Brocka), komedi (Tisoy ni Ishmael Bernal), aksyon (Gangland ni Peque Gallaga), at iba pa. Mahalaga ang hitsura ng syudad sa pagsusubstansya ng pelikulang ang pangunahing ethos ay ang dialektika ng […]

Saga ni Sarah

Walang nagsabi kay Sarah na aabutin ng siyam-siyam ang kanyang pagiging permanente sa pagtuturo. Pumapatak nang isang taon at kalahati ang proseso, at wala pang katiyakan kung kailan ito bababa. O kung aalukin o tatanggihan ang kanyang aplikasyon. Ito ang tinatawag na interregnum ni Antonio Gramsci, na ang kanyang paliwanag ay hindi pa namamatay ang […]

Toxic

Si Raul Gonzalez, kampeon ni Gloria Arroyo. Binabalandra ang sariling kabalbalan para akuin ang puntirya kay Arroyo. Sa taon-taong pagtatanggol sa di naman katanggol-tanggol, nagprodyus ang katawan ng toxins. Pinatay ang kidney. Hindi man lang tuminag. Naghanap ng ka-match hindi mula sa pamilya kundi sa kanyang household. Ang driver ang nagboluntaryong ialay ang isang kidney […]

Panonood ng video conference

Sa aking pag-alaala, ngayon pa lang ako nakatunghay sa bagong anyo ng protesta. Ito ang video conference sa internet – ang press conference ni Melissa Roxas, ang Filipina Amerikanang in-abduct kasama ng dalawa pang katao, kinulong, tinortyur, pinagbintangan na siya si Maita, taga-Canada, at pinakawalan. Heto ang link sa Arkibong Bayan: http://www.arkibongbayan.org/2009/2009-06-June28-melissaroxaspresscon/melissapresscon.htm#video. Emosyonal ang pagbasa […]