Corona Convicted
At na-impeach na nga si Chief Justice Renato Corona. Totoo, alipores siya ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at malaking hadlang sa pagpapanagot dito. Pero hindi rin pwedeng magbulag-bulagan sa motibo ni Pang. Noynoy Aquino: ang patuloy na maangkin ng pamilya niyang Cojuangco-Aquino ang Hacienda Luisita at magkaroon ng kumpletong kontrol sa gobyerno, para madulas na maipatupad ang mga kontra-maralita at kontra-mamamayang patakaran niya