Angie, Angie
Rebyu ng Angie Bisuña-Ipong, Mars Marata, at iba pang bilanggong pulitikal, A Red Rose for Andrea: Writings from Prison. Quezon City: Southern Voices Printing Press, 2012. 148 pahina
Rebyu ng Angie Bisuña-Ipong, Mars Marata, at iba pang bilanggong pulitikal, A Red Rose for Andrea: Writings from Prison. Quezon City: Southern Voices Printing Press, 2012. 148 pahina
Laman ng balita ang panenermon ni Pang. Noynoy Aquino sa Bureau of Immigration sa ika-72 anibersaryo pa man din nito. Sinermonan niya ang ahensya sa pagpapatakas sa bansa mga sikat na suspek sa mga krimen at pagpapapasok naman sa mga miyembro ng dayuhang sindikato sa cybercrime human trafficking. Kasama sa una sina dating Gob. Joel […]
Bago si Kuya Kim ay si Ernie Baron. At bago si Ernie Baron ay si Amado Pineda – isang empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pag-asa na naghahatid ng balita sa telebisyon. Noon iyun, nang hindi pa minamaksimisa ng mga estasyon sa telebisyon ang ulat hinggil sa lagay ng panahon para magpasikat ng talento nila
Nitong mga nakaraang taon, sa tuwi na lang may kalamidad sa bansa, nagkakaroon ng pyesta ng pagsisi sa mga maralita. Ang mga maralitang lungsod, sinisisi kung bakit naninirahan sa tabi ng estero at mapanganib na lugar. Ang lahat ng maralita, maging sa kanayunan, sinisisi kung bakit ayaw umalis sa kani-kanilang bahay kapag mataas na ang baha at pinipilit ilikas ng mga rescuer. Nitong huli, sinisisi sila sa pagbaha, dahil sila raw ang nagtatapon ng basura na bumabara sa mga daanan ng tubig
Matagal nang nagpapakilalang “independyenteng manunuring pampulitika” si Mon Casiple. Ang totoo, ayon sa mga matagal nang aktibista, kapanalig siya ng Akbayan, na alyado ni Pang. Noynoy Aquino. Kung malabo man ang mga ebidensyang pang-organisasyon, malinaw naman ang mga ebidensyang pampulitika. Lalo na ngayon, sa pagsusuri niya sa paglaya ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa hospital arrest nito
Nakilala niya si Maita Gomez sa konteksto ng hindi pagkakasundo, sa maagang bahagi ng 2006. May hindi ito nagustuhan sa isang ginawa ng mga aktibista. Kinausap niya si Maita para magpaliwanag. At dahil kilala si Maita na prangka at hindi mahilig makipagbolahan, sinabi niyang mas malamang ay uulitin ang naturang ginawa, hindi man sang-ayon ang kausap. Siguro, nagustuhan ni Maita ang katapatan, ang palagay na mauunawaan niya, ang hindi pagmenos sa kakayahan niyang maintindihan. Doon nagsimula ang malapit na pagkakaibigan hanggang namatay si Maita nitong 12 Hulyo
Nang mapag-usapan nitong huli si Dolphy – sa konteksto noon ng kanyang muntik-muntikang pagkamatay – at ang progresibong pagsusuri sa kanya, ang tanong ko: “Okey ba ang karakter niyang si Facifica Falayfay?” Sa isang banda, gusto kong magpatawa, na laging reaksyon sa pangalang iyan. Sa kabilang banda, talagang tanong ito sa ating panahong politically correct. Marami siyang napatawa, pero okey ba sa mga progresibo ang kanyang pagpapatawa? Ang posibleng sabit: ang pagganap niya bilang bakla
Sunud-sunod ang kontrobersya ngayon tungkol sa mga patalastas na tinawag nang “rasista.” Una ang sa BAYO, sumunod ang sa Belo Medical Group, at humabol ang sa Executive Optical. Sa tatlo, malinaw ang pagbibigay-halaga sa Kanluraning modelo ng kagandahan at ang pagwawalang-halaga naman sa Pilipinong kulay at itsura. Magkakaiba rin naman ang kulay at itsurang tinatawag na “Pilipino” bagamat mas tumatampok ang pagkakatulad kapag inihambing sa Kanluranin
Isang susing patakarang neoliberal ang K+12 na ipinapatupad ng gobyernong Aquino. Nakadireksyon ito sa mga batayang tunguhin ng mga patakarang neoliberal hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo: ang gawing mura ang lakas-paggawa at kaltasan ang subsidyo sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon
Hindi ko rin naman siya natatandaan bilang makata, bagamat ilang tula na niya ang nabasa ko. Mas tumatak sa akin na makata siya dahil sa isang kaibigan, na bagamat sumisimpatya sa Kaliwa ay kritikal sa pagtula ng mga aktibista. Sa pagtingin ng kaibigang ito, marami sa mga makatang aktibista ang gumagamit ng mabibigat na salita – kamao, dugo, rehas, mapulang bukang-liwayway – na bukod sa gasgas na ay hindi nabibigyan ng bagong buhay