Balita

Larawan | Mamamayan ng Mindanao nangangalampag sa Maynila

[cycloneslider id=”manilakbayan-2014″] Pagkai’t kapayapaan. Ito ang simpleng hiling ng mga mamamayan ng Mindanao na kinatawan ng mahigit 300 Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao. Naglakbay sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa teror ng iba’t ibang yunit ng militar. […]

‘Aquino, di mapagkakatiwalaan sa coco levy fund’

Hindi dapat ipagkatiwala kay Pangulong Aquino ang pondo ng coco levy. Ito ang tugon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa plano ng pangulo na maglabas ng executive order para sa kontrobersiyal na pondo, matapos makipagpulong (Aquino) sa isang grupo ng mga magsasaka mula sa Davao noong Miyerkules. Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, […]

Araw laban sa karahasan sa kababaihan, bata ginunita

Ipinagdiwang ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (Idevaw) kasabay ng deklarasyon kamakailan ng Pilipinas na National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children ang Nobyembre 25 kada taon. Ikinatuwa rin ng Gabriela ang hatol ni Judge Emily Gaspar Gito ng Manila Regional […]

‘Gobyerno, usad-pagong sa pagkilala sa karapatan, kagalingan ng bata’

Idinaan ng mga bata mula sa iba’t ibang komunidad ng Kamaynilaan at mga batang Manobo sa pagpapalipad ng saranggola ang paggunita sa anibersaryo ng ika-25 taong deklarasyon ng United Nations Convention on the Rights of the  Child (UNCRC). Inilagay ng mga bata ang kanilang kahilingan sa bawat saranggola at sabay-sabay na pinalipad. Ayon sa mga […]

Karahasan sa kababaihan, tumitindi

Nagpahayag ng  pagka-alarma at galit ang grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan. Sa isang press conference, sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), tumaas ang bilang ng kaso ng panggagahasa mula […]

Mga guro, nagsagawa ng ‘sit-down protest’ para sa dagdag-suweldo

Dahil sa umano’y pagbibingi-bingihan ng adminstrasyong Aquino sa panawagan nila para sa dagdag-sahod, naglunsad ang mga guro sa buong bansa ng sit-down protest. Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), pumasok ang mga guro sa kani-kanilang klase pero hindi umano sila magturo sa isang buong araw bilang protesta. “Ito’y pagbibigay babala sa pamahalaan na […]