Balita

Kawani ng gobyerno, naalarma sa pagsibak sa hepe ng Pagasa

Naaalarma ang militanteng grupo ng mga empleyado ng gobyerno sa sirkumstansiya ng pagkakasibak sa administrador ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na si Prisco Nilo. Lumalabas na may double standard umano ang administrasyong Aquino sa mga opisyal ng gobyerno, ayon kay Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for the Unity, Recognition, and […]

Sa kabila ng pagkakapiit ng Morong 43: Manggagawang pangkalusugan tuloy sa paglilingkod

Hindi natatakot ang mga panggagawang pangkalusugan sa bansa na maglingkod sa mga maralita sa kabila ng pagdukot at pagpapahirap ng militar ang tinaguriang “Morong 43.” Ito ang napatunayan ng Council for Health and Development (CHD) matapos matagumpay na nakapaglunsad ang organisasyon ng kanilang ika-10 General Assembly of Community-Based Health Programs (CHBP) in the Philippines. Bitbit […]

[UPDATE] Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan

Tinututulan ng iba’t ibang grupo ng kabataan, maging ng kabataang kinatawan sa Kamara, ang panukala sa Kamara na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyante sa kolehiyo. “Tinuturuan ng ROTC na magbulag-bulagan at walang-imik ang mga estudyante. Ginagamit pa ng AFP ang programa sa red-baiting laban sa progresibong mga grupong pang-estudyante, sa […]

Pagpapalaya sa kapapanganak na inang isa sa Morong 43, iginiit ng Gabriela

Nagpiket ang Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan, sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) kamakailan upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa batayang humanitarian kay Judilyn Oliveros, isa sa 43 health workers na ilegal umanong inaresto sa Morong, Rizal noong Pebrero. Kasalukuyang nasa PGH si Oliveros matapos itong manganak noong Hulyo 22 sa pamamagitan ng ceasarian […]

Bahay ng 384 pamilya, dinemolis sa San Pedro, Laguna

Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern Tagalog ang pagdemolis ng kapulisan sa tatlong barangay at tahanan ng 384 pamilyang maralita sa San Pedro, Laguna. Ayon kay Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bayan-ST, hindi dapat ipinapatupad ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, laluna’t layunin nito ang pagbibigay-daan sa Southrail Project ng Philippine […]

Pagtutol sa taas-pasahe sa MRT, LRT, lumalakas

Patuloy na lumalakas ang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Kaninang umaga, nagpiket sa estasyon ng MRT sa North Avenue ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at nagpapirma sa mga biyahero ng isang petisyon laban sa posibleng taas-pasahe. Ayon kay […]

‘Paglabag sa karapatang pantao, bakit hindi iimbestigahan ng Truth Commission?’

Ipinagtaka ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, ang hindi pagsama sa mga paglabag sa karapatang pantao sa mga isyu laban sa nagdaang pangulo na iimbestigahan ng Truth Commission. Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, hindi lang dapat mga kaso ng korupsiyon ang tugunan ng Truth Commission, kung gusto nitong imbestigahan ang mga kasong “may laki […]

Dahil sa imported na bigas: Tag-hirap sa anihan, inaasahan

May 3.5 hanggang apat na milyong magasasaka ang maaapektuhan dahil sa sobrang bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA), ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano. Sa isang pahayag, sinabi ni Mariano na nakakabahala ang inaasahang pagpasok sa bansa ng imported na bigas sa Agosto 15. Kamakailan, ibinulgar ng Kal. Lito Banayo ng NFA na […]