Balita

Pangakong pamamahagi ng lupa, ‘campaign gimmick’ ni Noynoy

Nagsagawa kamakailan ng kilos-protesta ang mga kasapi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis sa harap ng Jose Cojuangco Building sa lunsod ng Makati para igiit sa tumatakbong pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III na kagyat na ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita sa halip na patuloy na paasahin ang mga magsasaka. Sa pagsisimula […]

Bayan Muna nanguna sa sarbey

Tatlong kinatawan ang mapapaupo ng Bayan Muna sa Kongreso kung ngayon gaganapin ang halalan, ayon sa pinakahuling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia. Batay sa sarbey ng Pulse Asia noong Enero 22- 26, 8.03 porsiyento ang nakuha ng Bayan Muna, na “nagtitiyak” ng tatlong kinatawan para sa progresibong party-list. Pumangalawa sa Bayan Muna ang 1-Aangat […]

Tortyur sa 43 health workers, umiigting

Nagpatuloy ang tortyur at interogasyon ng 43 doktor at health workers na nakadetine pa rin sa Camp Capinpin sa Taytay, Rizal. Ayon sa ulat ng Health Alliance for Democracy (Head), umigting pa ang pisikal at sikolohikal na tortyur sa mga ito, sa kabila ng bisita ni Leila de Lima, chair ng Commission on Human Rights […]

Morong 43 tinortyur sa kamay ng AFP

Tinortyur ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang health personnel na ilegal na inaresto noong nakaraang Sabado, kabilang ang pangunguryente sa isang 60-anyos na doktor. “Batay sa kuwento ng mga detenido, isinailalim sila sa iba’t ibang porma ng tortyur at sexual harassment,” ayon kay Dr. Geneve E. Rivera, pangkalahatang kalihim ng […]

43 health workers ‘hindi NPA,’ hiniling na palayain

Dumarami ang mga grupong humihiling ng kagyat na pagpapalaya sa 43 health workers na kasalukuyang nakadetine sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal, matapos ang isang mass arrest o maramihang pag-aresto na tinataguriang “unprecedented” o wala pang katulad simula noong batas militar. Naglabas ng mga pahayag ng suporta sa mga detenido ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), progresibong mga […]

Mga Aeta mangangampanya laban kay GMA

Para sa sinumang nakakaaalam ng rekord ni Pangulong Arroyo, ang pagboto o pagkampanya para sa sinumang tatakbo laban sa kanya ay halos kasing dali lang ng pagbasa ng ABKD. Ito ang naging pahayag ng mga katutubong Aeta sa pagtakbo ni Pangulong Arroyo sa ikalawang distrito ng Pampanga. “Tanong pa ba kung sino ang iboboto ng […]

Reklamo sa kuwestiyunableng bayarin sa eskuwelahan, dagsa

Dumagsa ang mga reklamo mula sa mga estudyante at magulang ng mga estudyante laban sa umano’y “kuwestiyunable” at “matataas” na singil sa mga eskuwelahan, bunsod ng pagbukas ng mga grupong pangkabataan ng hotline kaugnay ng  polisiyang “No Permit, No Exam” ng Commission on Higher Education (Ched). Kamakailan, inilabas ng Ched ang Memorandum Order No. 02-2010, […]

Pagtaas ng presyo ng asukal, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Gabriela Rep. Liza Maza ang pagtaas ng presyo ng asukal bunga ng umano’y “artipisyal” na kakulangan sa suplay nito. Sa isang pahayag, sinabi ni Maza na dapat ipaliwanag ng Department of Agriculture (DA) kung bakit inirerekomenda nito ang National Food Authority na mag-angkat ng 15,000 metriko tonelada ng asukal para maging istable umano […]

Katutubo tutol sa Laiban Dam

Tinatayang 10,000 katutubo at settlers ang nanganganib na mapaalis sa kanilang lupang tinitirhan kung matutuloy ang P52-billion proyektong Laiban dam sa pagitan ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) at San Miguel Corporation (SMC) sa Marso 2010. Pitong komunidad sa Tanay, Rizal at ilang lugar sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon ang maaapektuhan ng […]