Balita

Istasyon ng pulis sa Agusan, nireyd ng NPA

Nireyd ng 4th Pulang Bagani Company ng NPA (New People’s Army) ang istasyon ng PNP (Philippine National Police) sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur noong umaga ng Hulyo 1, 2009. Sa pahayag ni “Ka Nadem,” tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Coy, nakakumpiska ang NPA ng tatlong M16 armalite, isang M14, tatlong kalibre .45 […]

Lider-obrero ng KMU pumanaw na

Pumanaw na si Wilson Baldonaza, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa, ngayong Hulyo 1, sa Manila Christian Hospital sa Caloocan City. 55 anyos siya. Inatake ng stroke noong Hunyo 5 si Baldonaza dahil sa mga komplikasyon sa kanyang puso, baga, apdo at atay. Noong binawian siya ng buhay, […]

Sa pinaigting na opensiba ng AFP: News blackout sa Maguindanao?

Mahigit-kumulang 60 mamamahayag mula sa Metro Manila at Mindanao na nagsisiyasat sa kalagayan ng mga bakwit ang hinarang sa Guindolongan, Maguindanao ng mga elemento ng 46th Infantry Battalion. Bandang alas-otso ng umaga ngayong Hunyo 30, papunta sa Datu Piang mula sa Cotabato City ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang organisasyon ng midya, kabilang ang […]

Countdown sa pagtatapos ng termino ni Arroyo sisimulan sa martsa sa Hunyo 30

Magsisimula nang magbilang ng araw ang taumbayan hanggang bumaba sa puwesto si Pangulong Arroyo. Mamarkahan ng iba’t ibang grupong tutol sa panunungkulan ni Arroyo ang araw na eksaktong isang taon bago matapos ang termino ng Pangulo sa isang “Martsa kontra Cha-Cha” (Charter Change) sa Hunyo 30. Ayon sa mga organisador ng martsa, magsisilbi rin itong […]

Video: Testimonya ng OFW na nakaligtas sa panggagahasa

Sa dalawang magkakahiwalay na insidente noong nakaraang buwan, tinangkang gahasahin ang domestic helper na si Aliyah (di tunay na pangalan), ni Abu Khalid, isang Arabong may-ari ng recruitment agency sa Saudi Arabia. Mayroong 20 pang Pinay na naninirahan sa recruitment agency ang ginahasa at kailangang sagipin mula sa kamay ng rapist, ayon kay Aliyah. Inilahad […]

Tortyur, opisyal na polisiya ng gobyernong Arroyo – Karapatan

Hindi man nito inaamin, polisiya ng gobyernong Arroyo ang paggamit ng tortyur sa giyera nito kontra sa insurhensiya. Ito ang iginiit ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, sa pagpiket nito sa harap ng tanggapan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Pakikipagkaisa sa mga Biktima ng Tortyur noong […]

Anak ng lider-maralita, hinihinalang pinaslang

Hinihinalang pinaslang dahil sa aktibismo ng kanyang ina ang 16-anyos na anak ng isang lider-maralita. Natagpuan ang bangkay ni Mac-Mac, anak ni Diamond Kalaw, tagapagsalita ng grupong maralita na Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-Aabuso (ManLaban), noong Hunyo 21 sa Wawa River sa Rodriguez, Montalban. Pero ayon kay Kalaw at kanyang mga kamag-anak, may marka […]

‘Maanomalyang’ proyekto sa E-Passport pinatitigil

Dumagsa ngayon sa Manila Regional Trial Court ang mga miyembro ng Anakpawis party-list para hilingin ang pagpapatigil ng diumano’y maanomalyang P859.7 Milyong proyekto sa pag-iimprenta ng mga E-passport. Noong Marso 30, nagsampa ng Temporary Restraining Order ang grupo laban sa pagbibigay ng kontrata ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) […]