Pinoy (Weekly) Special Issue – October 2010
Pinoy Special Issue sa Oktubre 2010, hinggil sa 100 araw sa panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III.
Pinoy Special Issue sa Oktubre 2010, hinggil sa 100 araw sa panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III.
Sa unang araw ng pagpapatupad ng 200% na pagtaas ng singil sa PhilHealth, sumugod ang mga manggagawa sa opisina ng Philhealth sa Pasig City para kondenahin ang bagong polisiyang ito gobyernong Aquino. Inanunsiyo ng Philhealth na simula Oktubre 12, tataas na ang kontribusyon ng Individually Paying Member (IPM) ng Philhealth, na sumasaklaw sa 40 tipo […]
Para sa kababaihang magsasaka sa ilalim ng Amihan, walang nagawa si Pang. Benigno Aquino III sa unang 100 araw niya. Hindi umano nanindigan si Aquino para sa tunay na repormang agraryo, kahit na sa mismong lupaing pag-aari ng kanyang pamilya na Hacienda Luisita.
Nagsagawa ng press conference ang kababaihan ng Gabriela para igiit sa Kongreso ang pagpasa ng Reproductive Health Bill. Higit pa sa pagbigay-akses sa mga gamot na kontraseptibo para sa mahihirap na mga mamamayan, inisponsor ng dalawang kinatawan ng Gabriela Women's Party na sina Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ang panukalang batas para bigyang prayoridad ang pangkalahatang kalusugan ng kababaihan. Mula kaliwa, si Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng Gabriela at ang kinatawan sa Kamara na sina Ilagan at De Jesus.
Hindi papaawat ang mga mag-aaral sa patuloy nitong paglaban para sa karapatan sa edukasyon. Sa open forum ukol sa unang 100 araw ni Pangulong Benigno S. Aquino III na inilunsad sa La Consolacion College, apat na estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila ang nagtaas ng mga plakard at humiyaw ng “Libro hindi bala, edukasyon hindi giyera! […]
Sa ika-walong buwan ng pagkakaaresto sa Morong 43, sinabi ni Sek. Leila de Lima ng Department of Justice (DOJ) na tapos na ang kanyang rekomendasyon hinggil sa kaso, at kagyat niya itong ipapadala kay Pang. Benigno Aquino III para madesisyunan. Inihayag ito ni de Lima sa mga kaanak at tagasuporta ng detenidong mga doktor at health […]
Tatlong lider magsasaka ang dinampot ng mga sundalo ng Philippine Army sa probinsya ng Laguna kaninang umaga, ayon sa ulat ng militanteng grupong magsasaka na Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK). Batay sa mga ulat na nakalap ng KASAMA-TK, dinampot sina Darwin Liwag, pangkalahatang kalihim ng pamprobinsyang grupong magsasaka na Pagkakaisa at Ugnayan […]
Iniulat ng National Federation of Labor Unions (Naflu) na nagwelga ang mga manggagawa ng Filipinas Palm Oil Plantation, Inc., (FPPI) ang pinakamalaking plantasyon ng palm oil sa bansa, dahil sa pambabarat umano ng manedsment sa dagdag-sahod na hinihingi ng mga manggagawa. “Minamarkahan ang unang 100 araw ni Noynoy Aquino ng pagputok ng mga labor dispute. […]
Pinagbabato ng mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ng pulang pintura ang gate ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA (ahensiya ng paniniktik sa ilalim ng Department of National Defense) bilang simbolo ng pagdanak ng dugo ng mga aktibista at sibilyan na pinaslang noong panahon ng rehiimeng Arroyo at kasalukuyan at di pa nabibigyan ng hustisya. (Macky Macaspac)