Balita

Melissa Roxas, pabalik ng Pilipinas, determinado sa pagpatuloy ng kaso vs gobyernong Arroyo

Pabalik ng bansa si Melissa Roxas, ang Pilipino-Amerikanong aktibista na dinukot at tinortyur diumano ng militar noong Mayo. Determinado siyang ipagpatuloy ang paghabla sa gobyernong Arroyo sa pagdukot at pagtortyur sa kanya at sa mga kasamahang sina Juanito Carabeo at John Edward Handoc sa La Paz, Tarlac, ayon kay Renato Reyes Jr., pangkahalatang kalihim ng […]

Paglaya ng konsultant ng NDFP hinaharang

Hinaharang diumano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang paglaya sa detenidong pulitikal na si Elizabeth Principe, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na mahigit 19 buwan nang nakakulong sa Custodial Center ng Camp Crame. Ayon sa grupong Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya o Selda, […]

11-anyos na bata namatay sa pamamaril ng sundalo

Isang 11-anyos na batang babae ang namatay sa operasyon ng mga awtoridad noong Hulyo 12 para tugisin ang mga nasa likod ng pambobomba kamakailan sa Cotabato City, ayon sa ulat ng  Liga ng Kabataang Moro. Namatay ang menor-de-edad nang mabaril ng mga miyembro ng Task Force Tusig sa reyd sa isa umanong hideout sa bayan ng Sultan […]

Pulong nina Obama at Arroyo, kinuwestiyon

Walang pakinabang sa taumbayan ang napipintong pagpupulong nina Pangulong Arroyo at US Pres. Barack Obama sa Hulyo 30, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). “Balak gamitin ni Arroyo at Obama ang pagpupulong para sa sarili nilang interes. Kailangan ni Arroyo ng publicity para sa kanyang bumabagsak na rehimen. Kailangan naman ni Obama na tiyakin ang […]

Video: Walkout ng mga estudyante laban sa Con-Ass

Noong Hulyo 10, nag-walkout ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga klase para ipahayag ang pagtutol sa Constituent Assembly at sa darating na State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Heto ang video ng walkout na isinagawa ng mga estudyante ng University of the Philippines Diliman. Matapos ang walkout, nagtungo sa Mendiola ang daan-daang […]

Tigil-pasada, kasado na

Kasalukuyang pinaghahandaan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang “pambansang koordinadong tigil-pasada” na gaganapin sa Lunes, Hulyo 13. Layon ng pagkilos na tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at ang mga multang ipinataw ng Department of Transportation and Communication sa mga tsuper at opereytor sa pamamagitan ng Department Order […]

Usapang pangkapayapaan ng GRP-NDFP, uusad na sa Agosto

Posibleng umusad na ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at gobyerno ng Pilipinas. Sa Agosto nakatakda ang muling paghaharap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa Oslo, Norway, ayon mismo kay Luis G. Jalandoni, tagapangulo ng NDFP Peace Panel. Ayon kay […]

Independiyenteng imbestigasyon sa mga pagbomba sa Mindanao hiniling

Itinulak ng isang grupo ng mga Moro ang pagsasagawa ng isang independiyenteng imbestigasyon sa serye ng mga pagbomba sa Mindanao sa harap ng paratang ng militar na mga rebeldeng Moro ang may pakana ng mga ito. Sinabi ng Amirah Ali Lidasan ng Suara Bangsamoro, grupong nagtataguyod sa karapatan ng mga Moro, na kailangan ng isang […]

Video: ‘Di kami nang-aatake ng sibilyan o nakikipag-ugnayan sa terorista’ –MILF

Hindi pa man nagaganap ang pambobomba malapit sa isang parokya sa Cotabato City noong Hulyo 5, iginigiit na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi nila polisiya ang pang-aatake sa mga sibilyan, Muslim man o Kristiyano. Panoorin ang bidyo mula sa isang press conference ng MILF noong Hulyo 1 : Kasabay nito, inilinaw ng […]