Ipinagdiwang ng militanteng mga grupo sa Plazoleta Gay, Iloilo City ang ika-55 kaarawan ni Luisa Posa-Dominado noong Agosto 10. Noong Abril 12, 2007, dinukot ng pinaghihinalaang mga militar sina Dominado at kapwa aktibistang si Nilo Arado sa Cabanbanan, Oton, Iloilo. Itinanggi ng militar na may kinalaman sila sa pagkawala ng dalawa. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ng mga kaanak, kasamahan at kaibigan nila sina Dominado at Arado. (Kontribusyon)Nag-alay ng mga pulang rosas ang mga kaanak, tagasuporta at kasamahan ni Luisa Posa Dominado bilang pagdiwang sa kanyang ika-55 kaarawan. (Kontribusyon)
Tuwing Undas, tradisyon na ng mga Pinoy ang dalawin ang libingan ng mga yumaong kapamilya. Pero ang mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala, walang mapupuntahang puntod dahil hindi na natagpuan ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nagkamit ng mga karangalang Best Picture at Best Director sa 73rd Famas Awards ang "Alipato at Muog", isang dokumentaryo tungkol sa paghahanap sa isang mahal sa buhay na dinukot at sapilitang iwinala ng estado.
Iginigiit ng pamilya at mga grupo ng karapatang pantao na sa tulong ng isinumiteng mga petisyon na mailitaw sina Dexter Capuyan at Bazoo de Jesus na higit isang taon nang nawawala.