Balita

Gloria, gumastos ng halos P1-M sa isang kainan sa New York – ulat

Habang naghihirap ang mga Pilipino sa krisis sa ekonomiya at habang nagluluksa ang bansa sa pagkamatay ni dating pangulong Corazon Aquino, nabalita sa midya sa US ang grandiyosong kainan at inuman ni Pang. Arroyo at mga kasamahan niya sa isang mamahaling restawran sa New York noong bumisita ito sa naturang bansa. Iniulat ng New York […]

Video: ‘Tuloy ang laban’ sa martsa-libing ni Cory Aquino

Tinatayang 300,000 katao ang dumalo sa martsa-libing ni dating pangulong Corazon Aquino noong Agosto 5. "Tuloy ang laban" ni Cory laban sa diktadurya, tiraniya, at korupsiyon, ayon sa progresibong mga grupo na kabilang sa nagbigay-pugay at namaalam kay Cory.

Ekstensiyon ng CARP, ‘hindi regalo kay Cory’

“Hindi regalo” kay yumaong dating pangulong Corazon Cojuangco-Aquino ang pagratipika ng Senado sa ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), paglilinaw ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), militanteng grupo ng mga magsasaka. “Nagbibigay-pugay kami kay Aquino dahil pinangunahan niya ang mga mamamayan sa pagpapabagsak ng diktaduryang Marcos at nagpatuloy na lumaban sa korupsiyon sa gobyerno,” […]

Mga Larawan: Burol at misa para kay Cory Aquino

Bumisita ang Pinoy Weekly noong Agosto 2, 2009 sa burol ng dating pangulong Cory Aquino sa De La Salle-Greenhills. Sa kanto pa lamang ng Edsa at Ortigas Avenue, may pila na (at nakaikot pa) ang mga mamamayang gustong maaninag ang labi ni Aquino. Sa pagsapit ng gabi, lalong dumami ang mga nasa pila. Ang loob […]

AFP, idiniin sa kaso ni Melissa Roxas

Nadiin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa akusasyong ito ang nasa likod ng pagdukot at pagtortyur sa Filipino-Amerikanong aktibista na si Melissa Roxas sa pagdinig na isinagawa sa Commission on Human Rights noong Hulyo 29. Sa nasabing pagdinig, inihain ni Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) Partylist Rep. June Alcover at Jovito Palparan, […]

Raymond Manalo, pinagmumura si Palparan sa pagdinig ng CHR

Tumayo at pinagmumura ni Raymond Manalo, biktima diumano ng pagdukot at tortyur sa kamay ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army, si dating heneral at Rep. Jovito Palparan, habang nagsasalita ang huli sa pagdinig ng Commission on Human Rights (CHR). Nagsasalita si Palparan hinggil sa “pagpatay” umano ng mga rebeldeng komunista habang inaakusahan siyang pumapatay […]

Video: SONA sa kalsada 2009: Lakas ng sambayanang Pilipino laban sa pamunuang Arroyo

Sa ika-siyam na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo noong Hulyo 27, dumagsa sa kalsada ang halos 20,000 katao mula sa iba't ibang sektor ng lipunan para siguruhing ito na ang kanyang huli. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan, siningil nila ang umano'y "pagpapahirap, pagnanakaw, panunupil, at pagpapakatuta" ni Arroyo. Iginiit nilang muli ang pagtutol sa pag-aamyenda ng 1987 Konstitusyon na anila'y tutungo sa term extension ni Arroyo at sa ibayong kontrol at panghihimasok ng mga dayuhan sa bansa.