Balita

Ang Pandaigdigang Krisis Pampinansya at ang mga Implikasyon nito sa mga Manggagawa ng Daigdig

Paul L. Quintos Ecumenical Institute for Labor Education and Research Papel na inihanda para sa Ikatlong Pandaigdigang Asembliya ng International League of Peoples’ Struggle, Study Commission No. 5 19 Hunyo 2008 Pinakamatinding Krisis Simula noong Great Depression “Pumasok ang ekonomiya ng daigdig sa bago at mapanganib na teritoryo,” bungad ng pinakahuling World Economic Outlook na […]

Institusyon sa paggawa naaalarma sa iskema ng mga kompanya sa pagtitipid

NAALARMA ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research, Inc. (Eiler) sa mga benepisyo ng mga manggagawa at oras ng kanilang paggawa ang isinasagawa ng mga kompanya para makatipid. Binatikos ni Anna Leah Escresa-Colina, deputy executive director ng Eiler na independiyanteng institusyon ng pananaliksik sa paggawa, ang mga hakbang ng mga kompanya dahil labag umano […]

Pagkampo ng militar sa eskuwelahan, labag sa karapatang pantao

KINONDENA ng Katungod, alyansang pangkarapatang pantao sa Silangang Visayas, ang pagkampo diumano ng mga elemento ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga eskuwelahan sa Brgy. Tabongohay, Alang-alang, Leyte. Humigit-kumulang 30 sundalo diumano ang nagkampo sa paaralan pang-elementarya sa naturang lugar noong Abril 13 sa gitna ng mga operasyong kontra-insurhensiya nito. “Malinaw na paglabag […]

130 eskuwelahan magtataas ng matrikula

BINATIKOS ng Kabataang Pinoy ang Commission on Higher Education (Ched) dahil sa pagtaas ng matrikula nang lima hanggang sampung porsiyento ng may 130 eskuwelahan sa darating na pasukan. “Lumalabas na hindi sinsero ang naunang panawagan ng Ched sa mga eskuwelahan na magkaroon ng freeze sa tuition fee increase dahil sa pandaigdigang krisis pampinansiya,” ayon kay […]

NUJP nagluksa sa pagkamatay ni Joecap

IKINALULUKSA ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkamatay ni Jose “Joecap” Capadocia, dating tagapangulo ng grupo at press undersecretary ng gobyernong Aroyo na kasama sa bumagsak na presidential helicopter sa Ifugao noong Abril 6. “Joecap was a consummate newsman and a beloved colleague who always looked after the welfare of his […]

Kompanyang nagbabayad ng kalahati ng minimum wage, ilantad –KMU

HINAMON ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pangulong Arroyo na ilantad ang mga electronics company na diumano’y pinayagang magbayad ng kalahati sa minimum wage sa susunod na anim na buwan dahil sa pagdaigdigang krisis pampinansiya. Inihayag ni Arroyo kamakailan na humingi ng permiso ang ilang mga kompanya na bayaran lamang ang kalahati ng sahod ng […]

Empleyado sa Intramuros humiling na agarang ibalik sa trabaho

HINILING ng ilang empleyado ng Intramuros na agarang ibalik sila sa trabaho matapos irekomenda ng House Committee on Civil Service and Professional Regulations na ibalik sila sa trabaho dahil walang batayan ang pagkakatanggal sa kanila noong Enero 2009. Nagpiket ang naturang mga empleyado sa harap ng Palacio del Gobernador, Intramuros sa Maynila para ipresyur ang […]