Balita

Video: Patalastas at bukod-tanging signature campaign laban sa karahasan sa kababaihan inilunsad

Inilunsad ng grupong Gabriela, sa pagdiriwang ng kanyang ika-25 anibersaryo, ang isang public service advertisement at bukod-tanging signature campaign laban sa karahasan sa kababaihan at bata. Pinrodyus ang patalastas ni Merle Jayme ng DM9 JaymeSyfu, na nanalo ng Bronze Media Lion sa 2008 Cannes International Advertising Festival para sa poster na Duct Tape, bahagi ng […]

Teodoro, tinawag na ‘utak-giyera’

Compostela Valley–Tinawag ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo si Kal. Gilbert Teodoro ng Department of Defense na “utak-giyera,” sa lokal na kumbensiyon ng koalisyong Makabayan na dinaluhan ng 2,000 katao, karamiha’y mga biktima ng militarisasyon. “Gibo speaks of change. Pero ang panawagan niya sa paglaban sa insurhensiya ay ang dagdag na badyet sa militar at […]

Magsasaka ng Hacienda Luisita nahaharap sa pagpapalayas; Noynoy hinamon na makialam

Nanawagan si Anakpawis Rep. Rafael Mariano kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, standard bearer ng Liberal Party para sa pagkapangulo, na makialam para maiwasan ang umano’y isang “nakaambang komprontasyon” sa Hacienda Luisita sa Tarlac City. Ito ay matapos mangako ang mga magsasaka at manggagawang-bukid ng asyenda na susuwayin ang dedlayn ng manedsment Hacienda Luisita, Inc. (HLI) para […]

DSWD, nag-iimbak ng relief goods para magamit ng administrasyon sa eleksiyon?

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na ipamahagi sa mga mamamayang nasalanta ng bagyo ang relief goods na nasa kamay ng departamento. Ito ay matapos ibulgar ni Ella Rose delos Santos sa kanyang blog ang mga litrato na nagpapakitang nakatengga sa isang warehouse ng DSWD ang relief goods […]

Balita: Magsasakang nasalanta, nanawagan ng solusyon sa krisis sa kanayunan

Nagmartsa ang daan-daang magsasaka mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan na apektado ng bagyong Ondoy at Pepeng para igiit sa Malakanyang ang isang 10-puntong programa na umano’y maglulutas sa matagal nang problema sa kanayunan. Mula sa isang camp-out sa opisina ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, natungo sa Mendiola Bridge sa Maynila ang […]

Panukalang dagdag-pasahe binatikos

Tinuligsa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukala ng Alliance of Concerned Transport Organizations o Acto na 50-sentimong pansamantalang dagdag-pasahe at P1 dagdag-pasahe sa gitna ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. “Magiging negatibo ang epekto ng dagdag-pasahe ngayon sa mga manggagawa at mga mananakay sa pangkalahatan…Insensitibo ito sa lagay ng mga manggagawa at […]

Video: Bakwit sa Laguna hinakot ni Arroyo sa relief mission, hindi nabigyan ng relief goods

Nananatiling lubog sa tubig ang 30 munisipalidad na nakapalibot sa Laguna Lake. Wasak ang mga tahanan at hindi makapangisda dahil sa lalim ng dagat, umaasa lamang sa rasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang organisasyong nagkokondukta ng relief missions ang mga residente. Noong Oktubre 14, nakarating sa Brgy. Balanga, Pila, Laguna, ang Bagong Alyansang Makabayan, at […]