Balita

Ibon: Paglago sa ekonomiya, di lumilikha ng trabaho

Hindi maituturing na “good news” ang naitalang mataas na paglago ng ekonomiya sa unang kuwarto ng taon dahil hindi naman ito nakapagliha ng trabaho o nakapag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan, ayon sa indipendiyenteng think-tank na Ibon Foundation. Lumago ng 7.3 porsiyento ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, ang pinakamataas sa loob ng […]

Paglabag sa karapatang pantao ni Arroyo, ihahapag sa United Nations

Tutungo sa Geneva, Switzerland ang isang delegasyon ng mga aktibista para ihapag sa 14th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo, kabilang ang kaso ng ‘Morong 43’ o detenido pa ring mga doktor at health worker. Umaasa rin ang Ecumenical Voice for Peace […]

Dispersal sa Hacienda Yulo: 10 magsasaka, kabilang ang menor-de-edad, nakapiit pa rin

Nananatiling nakapiit ang 10 magsasakang ilegal na aresto sa dispersal kahapon sa Hacienda Yulo, na kinondena ng militanteng mga grupo bilang “pinakamarahas” na land dispute matapos ang halalan at isang hamon kay presidential frontrunner Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na seryosong tugunan ang mga problema ng magsasaka sa lupa kapag naupo sa puwesto. Mahigit 50 […]

‘Diskriminasyon’ sa canvassing ng party-list, kinuwestiyon

Kinuwestiyon ng Bayan Muna ang umano’y “diskriminasyon” ng Commission on Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) laban sa mga party-list dahil sa mabagal na pagbilang at pagsasapubliko ng resulta ng canvassing ng mga boto para sa party-list. Inanunsiyo ng PPCRV ngayong araw ang terminasyon ng kanilang canvassing; habang umalis sa Philippine International […]

Mga magsasaka sugatan, 2 inaresto sa usapin sa Hacienda Yulo

Daan-daang magsasaka ang nasugatan, ilan ang pinosasan habang dalawa ang ikinulong sa istasyon ng pulis matapos magkagulo kaninang umaga sa Sitio Buntog, Brgy. Canlubang sa Calamba, Laguna dahil sa usapin kaugnay ng Hacienda Yulo. Ayon kay Axel Pinpin, dating detenidong pulitikal at pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK, nagpoprotesta malapit sa mayor na kalsada ng sityo ang […]

Ako Bicol Party-list, inakusahang bumili ng boto

Inakusahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Bikol ang Ako Bicol, nangunguna sa karera sa party-list, na binayaran ang mga kapitan ng barangay sa rehiyon ng tig-P1,000 hanggang P2,000 dalawang linggo bago ang halalan. Ayon kay Tessa Lopez, public information officer ng Bayan-Bikol, ibinulgar ng mga insider mula sa nasabing party-list ang impormasyon. “Kung totoo ito, hindi […]

Pagpapalawak ng manual audit sa 50% ipinanawagan

Ipinanawagan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang pagpapalawak ng manual audit sa 50 porsiyento ng mga presinto para maberipika ang resulta ng halalan, sa gitna ng paglitaw ng ilang mga iregularidad. Inamin mismo ng Commission on Elections (Comelec) na may natuklasan silang di-pagkakatugma sa resulta ng naka-print na election returns at ng ipinadalang mga resulta […]

US at malalaking negosyo, masaya sa pagkapanalo ni Noynoy –KMU

Hindi maitago ng Estados Unidos ang kasiyahan nito. Ito ang reaksiyon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa sabay-sabay na pagpuri ng US Embassy, Moody’s Investors Service ng New York, at mga dayuhang mamumuhunan sa resulta ng unang automated na halalan sa bansa. Kinilala ng US ang popular na kandidato na si Senador Benigno […]