Balita

Hiling pa rin ng mga magsasaka sa Luisita, iba pa: karapatan sa lupa

Nagpiket ang mahigit 300 magbubukid mula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan habang nakikipagdayalogo ang mga lider nila sa mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform. Adyenda ng dayalogo ang kawalang aksiyon ng DAR sa kagyat na pamamahagi ng Hacienda Luisita na tinigil ng TRO na isinumite ng Hacienda Luisita sa Korte Suprema. Pag-uusapan din […]

Jericho March kontra dayaan sa halalan

Aabot sa 500 katao ang nagtipon sa tapat at pinalibutan ang tanggapan ng Commission on Elections sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila para manalangin at simbolikong buwagin ang “pader” ng pandaraya, pananatili sa poder ni Pang. Arroyo at iba pang nakaliligalig na mga posibilidad sa eleksiyon sa Mayo 10. Tinaguriang “Jericho March,” hango ang […]

Taga-usig ng DOJ na nagprotesta sa pagpapalaya sa dalawang Ampatuan, pinuri ng NUJP

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines ang pagprotesta ng mga pampublikong taga-usig (public prosecutors) sa utos ni Acting Justice Sec. Alberto Agra na inaabsuwelto sina Zaldy at Akmad Ampatuan sa pagkakasangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. Ang pagprotesta sa utos ni Agra ang tanging “marangal” na hakbang para […]

Sikretong pulong ng mga opisyal ng US, RP binatikos ng CPP

Binatikos ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang sikreto umanong pagdating sa bansa ng mga nangungunang opisyal panseguridad at pangmilitar ng administrasyong Obama ng US para makipagpulong sa mga opisyal ng rehimeng Arroyo. Dumating sa bansa si US Deputy Assistant Secretary of Defense Garry Reid noong Miyerkules, Abril 15, at nakipagpulong kina Department of […]

Pilipinas, pinakamaraming sakuna noong 2009

Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamadalas na tinamaan ng natural sakuna noong 2009, ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC). Tinamaan ang Pilipinas ng 26 na natural disaster noong nakaraang taon, batay sa mga rekord ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), ayon kay Lourdes Louella Escandor, executive […]

KMU: Itigil ang dagdag singil sa kuryente

Iginiit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco na itigil ang dagdag na bayarin sa kuryente. Sa halip, ayon sa grupo, kailangang i-refund ng Meralco ang humigi’t kumulang na P7 bilyong kinita nito mula sa overcharge na kinolekta mula sa mga kostumer ng kompanya mula 2004 hanggang 2007. Matatandaang noong pang nakaraang buwan nagtataas ng […]

Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]