Balita
Makasaysayang 10-araw na pambansang karaban ng magsasaka, ikinasa
Tumulak ngayong araw mula sa mga lungsod ng Davao at Cagayan De Oro ang “makasaysayang” 10-araw na pambansang karaban ng mga magsasaka. Pinamagatang “Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan,” pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list ang pagkilos ng tinatayang halos 3,000 magsasaka na magmumula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa […]
Ka Bel: mandirigma para sa tunay na pagbabago – KMU
Ipinagdiwang ng Kilusang Mayo Uno ngayong Enero 7 ang ika-77 kaarawan ng dakilang lider-manggagawa na anila’y “iginagalang na lider ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino sa ating pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.” Tamang-tama umanong pumapatak ang ika-77 kaarawan ni Beltran sa taon ng isang eleksiyon, sa isang panahong nananawagan ang iba’t ibang grupo […]
Militar panagutin dahil sa pag-armas sa private armies
Hinamon ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang bagong tatag na presidential commission para distrungkahin ang private armies na panagutin ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pag-aarmas sa mga private army na tulad ng sa pamilya Ampatuan. Nilabas nila ang hamon nila matapos manumpa […]
Video: Pasko ng Paglaya (May Day Productions)
Isang bidyo ng May Day Productions hinggil sa paglaya ng nakakulong na mga manggagawa ng Karnation Industries, at ang kanilang paglaban para palayain ang walo pang kasamahan na ikinulong dalawang taon na ang nakakaraan dahil lamang sa pagtataguyod ng karapatang mag-unyon.
Mga Larawan: Pasko ng bulnerableng taumbayan sa harap ng pagsabog ng bulkang Mayon
Aabot sa 40,000 katao ang nagdiwang ng Pasko sa evacuation centers matapos sapilitang pinalikas sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay.
Ekstensiyon ng pagpaparehistro ng mga botante, pinuri
Pinuri ng Kabataan Party-list ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang voter’s registration o pagpaparehistro ng mga botante hanggang sa Enero 9, 2010. “This is a best Christmas gift for the youth, tamang-tama para sa huling Pasko bago mag-eleksiyon…Siguradong pipila na bukas na bukas pa lang ang mga kabataan,” pahayag ni Kabataan Rep. Raymond […]