Balita

Sentenaryo ng Marso 8, ipagdiriwang sa protesta kontra Arroyo

Ipagdiriwang bukas ng Gabriela, pambansang alyansa ng mga grupong pangkababaihan, ang sentenaryo ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, sa isang kilos-protesta at martsa patungong Mendiola na inaasahang dadaluhan ng 10,000 katao. Ayon sa Gabriela, “makasaysayan” ang paggunita sa araw na idineklara 100 taon na ang nakakaraan ng 1910 First Socialist International Conference sa Copenhagen, […]

‘Lalakeng Kausap’ poster ni Bayani, binuweltahan ng maralita

Isang araw bago ang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, binuweltahan ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, si Bayani Fernando, dating tagapangulo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at tumatakbong bise-presidente, para sa mga campaign poster na ibinabandera ang sarili bilang ‘Lalakeng Kausap.’ “Ano ang gusto niyang palabasin? Na ang […]

Gibo, tinuligsa sa pag-endorso sa regional wage boards

Tinuligsa ng militanteng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pag-endorso ni Gilbert “Gibo” Teodoro, kandidato ng Lakas-Kampi sa pagkapangulo, sa regional wage boards para idaan ang mga petisyon para sa dagdag-na-sahod. “Sa mahigit dalawang dekada ng pag-iral ng regional wage boards, P26 pa lamang ang pinakamataas na dagdag-na-sahod na inaprubahan nito. Tinatrato nila ang […]

Video: Paggunita sa ‘bigong pangako’ ng EDSA

Pagkilos ng mga maralitang tagalungsod at militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capitol Region at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) para gunitain ang unang pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Mensahe ng protesta na matapos mapatalsik ang diktadurang Marcos, nabigo ang sumunod na mga administrasyon na tupdin ang mga pangako ng EDSA: ang panawagan para sa makataong sahod at trabaho, abot-kamay na mga serbisyong panlipunan at paggalang sa karapatan ng mga mamamayan.

Sa ika-24 anibersaryo ng EDSA I: Pilipinas lalong lumala

Mas lalong lumala ang landas na tinahak ng Pilipinas, 24 taon makalipas ang pag-aalsang Edsa I na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ayon sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan). “Makalipas ang 24 na taon, nasa mas malalang landas ang Pilipinas. Ang rehimeng Arroyo, gamit ang puwersa ng estado, ay lumabag sa karaptang pantao […]

Isyung bayan, pag-usapan sa halalan

Bulok ang pulitika ng bansa – ito’y tiyak na natin. Sa panahon ng kampanya sa eleksiyon, laman ng mga pahayagan, telebisyon at radyo ang mga paninirang-puri ng magkakalabang pulitiko. Batbat ang midya ng jingle at gimik para mapansin natin ang mga kandidato.