Nagtirik ng 60 kandila at nagpatunog ng 60 gong ang mga katutubo sa ilalim ng Katribu Party-list noong gabi ng 27 bilang pakikiisa sa "Earth Hour" na tinakdang isang oras ng pagpatay ng kuryente bilang paglaban sa climate change. Isinagawa rin ng Katribu ang pagtirik ng mga kandila at pagpatunog ng gong para ihayag ang paglaban sa proyektong nakakasira sa kalikasan at katutubong lupain, tulad ng pagtayo ng mga dam sa Angat at San Roque. (Contributed Photo)
Totoong paparami ang malalakas na bagyo sa bansa. Noon, minsan lang maranasan ang Ondoy o Yolanda, pero sa ngayon nagiging pangkaraniwan na at taon-taon na lang.
Krimen ang pumatay at magnakaw. Kaya kapag namamatay at nawawasak ang tahanan at kabuhayan ng mga Pilipinong nasasalanta ng bagyo na paulit-ulit, dapat may masisingil na hustisya.
Sa gitna ng paghihirap ng mamamayan, inuuna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paninikluhod sa United States. Amerikano muna ang paglilingkuran at imbis na ang sambayanang Pilipino na humaharap sa matinding krisis sa kabuhayan at pagbabago ng klima.