Balita

Paano ka makakatulong sa mga mamamayang biktima ni Ondoy?

Marami ang nabigla sa hagupit at pananalasa ng bagyong Ondoy. Marami ang nawalan ng tahanan at maging mga mahal sa buhay dahil sa trahedyang itinuturing na pinakamatindi sa huling apat na dekada. Samantala, maagap namang tumugon ang makabayang mga organisasyon, institusyon at mga indibidwal upang makatulong sa mga biktima ni Ondoy.

Kabataan inilahad ang 10-araw na tortyur sa kamay ng militar

Pinangangambahan ang posibleng whitewash sa kaso ng pagdukot sa kabataang aktibistang si Noriel Rodriguez matapos ideklara ng mga opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) sa Tuguegarao City na “sarado” ang kaso sa kabila ng ebidensiya ng tortyur. Sa salaysay na ipinadala ng Tanggulan Youth Network for Human Rights and Civil Liberties, ibinunyag ni Rodriguez […]

Pagtaas sa singil ng pribadong ospital, ‘di maisisisi’ sa Cheaper Medicines Act

Hindi maisisisi ng mga pribadong ospital sa Cheaper Medicines Act ang pagtaas sa singil sa serbisyo, ayon sa Health Alliance for Democracy (Head), organisasyon ng mga propesyunal pangkalusugan. Pinabulaanan ng Head ang deklarasyon ng Private Hospital Association of the Philippines na “kailangang magtaas ng singil” dahil nalulugi ang mga pribadong ospital sa bagong imposisyon ng mga […]

Isa na namang unyonista, inaresto

Isang araw bago ang pagdating sa bansa ng misyon ng International Labor Organization (ILO) para imbestigahan ang panunupil sa kilusang paggawa, isa na namang lider-unyonista ang inaresto para sa isa umanong “gawa-gawang kaso.” Sa isang entrapment operation, inaresto ng mga elemento ng Philippine Army (PA) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Declard Cangmaong, 36, sa  Southern […]

Libu-libong manggagawa ng pier, muling lumusob sa Malakanyang

Libu-libong manggagawa ng North Harbor at residente ng mga komunidad sa pier ang nagmartsa uli sa Mendiola para igiit ang seguridad sa trabaho sa harap ng nakaambang pribatisasyon ng pier. Sa pamumuno ng Alliance of Port/Transport Workers and Porters in North Harbor (APTWP-NH), iginiit ng mga manggagawa na baguhin ang Terms of Reference (TOR) ng […]

Teodoro, ‘pala-kaibigan’ sa Estados Unidos?

Sa antisipasyon ng pagdeklara ng partidong Lakas-Kampi-CMD kay Defense Secretary Gilbert Teodoro bilang standard bearer nito sa pagkapangulo sa darating na halalan,  tinawag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)  si Teodoro na “pinakamasugid na tagapagtanggol” ng Visiting Forces Agreement (VFA) mula sa hanay ng presidentiables at aktibong sinusuyo ang suporta ng Estados Unidos. “Masamang balita” para […]

Dinukot na kabataang aktibista, ilitaw –Anakbayan

Nanawagan ang Anakbayan sa gobyernong Arroyo na kagyat na ilitaw si Noriel Rodriguez, isang kabataang aktibista na isang linggo nang nawawala matapos dukutin ng pinaghihinalaang mga miyembro ng 17th Infantry Brigade sa probinsiya ng Cagayan. Ayon sa ulat ng Karapatan-Cagayan, dinukot si Rodriguez, 26, ng apat na di pa nakikilalang mga armadong kalalakihan bandang 5:00 […]

Chavit pinasisibak ng Gabriela

Hindi sapat na hilingin ng Malakanyang kay Luis “Chavit” Singson na pansamantalang lumiban bilang Deputy National Security Adviser, ayon sa militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela. “Kung may natitira pang katinuan sa gobyernong Arroyo, sisibakin nito si Chavit,” ayon kay Emmi de Jesus, pangkalahatang kalihim ng Gabriela. Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Lorelei Fajardo, deputy presidential spokesperson […]

Alyansa ng MMDA at AFP, tinuligsa

Tinuligsa ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang bagong alyansa sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Metro Manila Development Authority (MMDA), na pinangangambahang magdudulot ng ibayong pang-aabuso sa kapangyarihan ng umano’y mga “siga sa kalsada.” Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pinirmahan ng MMDA at ng AFP noong Setyembre 3 na nagdedeklarang […]