NUJP: Mamamahayag sa Bulacan, pinilit ng Liberal Party na magsuot ng dilaw
Binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines sa Bulacan ang Liberal Party sa pagkitil diumano sa malayang pag-uulat ng mga mamamahayag. Sa isang press conference na ipinatawag ng LP sa 8 Waves Hotel sa San Rafael, Bulacan, ginawang ng requirement sa mga mamamahayag na magkokober na magsuot ng shirt na kulay dilaw. “We […]

Binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines sa Bulacan ang Liberal Party sa pagkitil diumano sa malayang pag-uulat ng mga mamamahayag.
Sa isang press conference na ipinatawag ng LP sa 8 Waves Hotel sa San Rafael, Bulacan, ginawang ng requirement sa mga mamamahayag na magkokober na magsuot ng shirt na kulay dilaw.
“We wonder, since when (were) journalists required (to wear) shirts of candidates’ political color in order to attend their press conference, invited or not?” tanong ng NUJP-Bulacan.
Ayon sa naturang grupo ng mga mamamahayag, tatlong beses pinigilan ng mga marshal ng LP ang mga mamamahayag na pumasok sa lugar ng presscon na dinaluhan nina Sen. Francis Pangilinan, senatorial candidate Risa Hontiveros, kapatid ng LP standard bearer Benigno “Noynoy” Aquino II na si Kris Aquino, at lokal na mga kandidato ng LP sa Bulacan sa pangunguna di Jose dela Cruz.
Una umanong napigilan ang mga mamamahayag na pumasok sa main door ng hotel. Hinarang din sila sa hagdan patungong ikatlong palapag kung saan magaganap. Nang makalampas sila sa kordon, hindi rin umano sila pinapasok sa kuwarto kung saan nagaganap ang presscon.
“The only reason they were prevented is the fact they they were not wearing yellow shirts,” ayon sa NUJP.
Ikinalulungkot umano ng NUJP na ang kulay na tumingkad noong maibalik ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa noong 1986 ay maaaring ginagamit para supilin ang midya ngayon.
Samantala, binatikos din ng NUJP ang paghihigpit diumano sa mga mamamahayag ng mga organisador ng isang sortie ni Nacionalista Party presidential candidate Manny Villar sa Pasig City.