Balita

Video: Prop. Tinio ng ACT, pinaratangan ni Palparan na ‘komunista,’ Melissa Roxas inakusahang ‘NPA’ ng heneral

Noong Sabado, Hulyo 25, 2009, nagsagawa ng press conference ang Alliance of Concerned Teachers. Sa nalalapit na restawran, nagsagawa rin ng presscon ang anti-komunistang party-list na Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) ni Jun Alcover at Bantay ni dating heneral Jovito Palparan. Ang bidyo, kinuha ni Prop. Sarah Raymundo ng Congress of Teachers and Educators […]

Pagbawal ng protesta sa bahay ng mga opisyal ng gobyerno, ipinanukala ni Dato Arroyo

Gustong ipagbawal ni Camarines Sur Rep. Dato Arroyo ang pagprotesta sa harap ng bahay ng mga pampublikong opisyal na naaakusahan ng korupsiyon o pagkakasangkot sa anomalya. Sa isang press release na inilabas ng kanyang tanggapan, sinabi ng anak ni Pangulong Arroyo na “hindi absoluto” ang karapatan ng mga mamamayan para maghayag ng kanilang mga hinaing […]

Militar itinanggi pagdukot kay Melissa Roxas, ebidensiya ng pagdukot ipinrisinta

Itinanggi ng mga kinatawan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na may kinalaman sila sa pagdukot sa Pilipino-Amerikanong si Melissa Roxas at dalawang kasamahan sa La Paz, Tarlac noong Mayo 19. Gayunman, nagprisinta si Roxas sa pagdinig ng Commission on Human Rights ng ebidensiya na maaaring makatulong sa pagturo ng may salarin. Sinabi rin […]

Video: Maralitang kababaihan nag-ingay laban sa napipintong SONA

Isang koordinadong noise barrage ang inilunsad sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila noong Hulyo 20 bilang paghahanda sa malawakang protesta sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Sa Commonwealth Ave., Quezon City, ibinuhos ng maralitang kababaihan ang kanilang galit.

Update: Pagpapalaya kay Elizabeth Principe, hinaharang ng AFP

Magsasagawa ng hunger strike ang detinidong pulitikal na si Elizabeth Principe matapos harangin  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalaya sa kanya noong Hulyo 20. Palalayain na sana si Principe matapos ang isang taon at halos walong buwan ng pagkakapiit sa kustodiya ng pulisya sa salang rebelyon at iba pang kaso. Ngunit ayon […]

SONA ni GMA, iboboykot ng progresibong mambabatas

Nakatakdang iboykot ng walong progresibong mambabatas ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa Kongreso sa Hulyo 27. Kabilang sa mga magboboykot ay sina Bayan Muna Reps. Satur Ocampo, Teddy Casino at Neri Colmenares; Anakpawis Reps. Rafael Mariano at Joel Maglunsod; Gabriela Reps. Liza Maza at Luz Ilagan, at Kabataan Rep. Raymond […]