Balita

A(H1N1) panakot sa magpoprotestang kabataan?

Sa gitna ng pagpapaliban ng pasukan sa mga kolehiyo at unibersidad sa susunod na linggo, nanawagan ang iba’t ibang grupong pangkabataan sa mga estudyante na dumalo sa “street classes” o mga klase  sa lansangan bilang protesta sa Charter Change. Kasabay nito, nangangamba ang mga grupo na posibleng ginagamit ng gobyernong Arroyo ang takot ng publiko […]

Pinaigting na opensiba, tugon ng NPA sa Con-ass

Patitindihin ng New People’s Army (NPA) ang mga taktikal na opensiba sa kanayunan bilang tugon sa panibagong hakbang para pahabain ang termino ni Gloria Macapagal-Arroyo, ayon sa pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang website. Samantala, inihayag ng National Democratic Front-Eastern Visayas (NDF-EV) na paiigtingin ng NPA ang mga opensibang militar sa […]

Panawagan ng CBCP para sa mapayapang protesta, sinalubong

Sinalubong ng militanteng mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa “mapayapang mga protesta” laban sa Constituent Assembly (Con-ass). “Inaasahan naming magiging organisado at mapayapa ang mga kilos-protesta, bagaman naroroon ang matinding galit. Umulan man o umaraw,  magmamartsa kami kontra sa Con-Ass,” […]

Katrina Halili at iba pang biktima ng sex videos nagtagpo

Nakipagkaisa ang aktres na si Katrina Halili sa iba pang babaing biktima ng sex videos sa isang counseling session  na inisponsor ng grupong pangkababaihan na Gabriela kamakailan. “Nahikayat ang iba pang mga biktima ng sex videos na lumantad dahil sa katapangan ni Ms. Halili. Kumuha sila ng lakas mula sa isa’t isa at nagplano ng […]

‘Lahat posible sa Con-ass’: Arawang protesta hanggang Hunyo 10 itinakda

Itinakda sa Hunyo 10 ang malawakang kilos-protesta ng mga puwersang kumokontra sa Constituent Assembly (Con-Ass) na umano’y “pinakahuling maniobra ni Pangulong Arroyo na manatili sa puwesto.” Bago ito, aaraw-arawin ng militanteng mga grupo ang mga protesta sa Con-Ass, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na nanguna ng isang noise barrage sa Welcome Rotonda, Quezon City […]