Balita

Dagdag-singil sa NAIA, nagsimula na

Simula nitong Okt. 1, pumalo sa P1,200 ang halaga ng overnight parking sa paliparan para sa mga kotse, apat na beses na mas mataas mula sa dating P300 at lumobo naman sa P480 at P2,400 sa mga motorsiklo at bus.

Sangkot sa hazing sa UST, hinatulang may sala

Hinatulan ng korte sa Maynila na may sala o guilty ang 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkamatay ng University of Santo Tomas law student na si Horacio Castillo III noong 2017 dahil sa hazing.

Bagyong Julian, naminsala sa hilagang Luzon 

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Ilokos, tiyak na inaasahan ang pagkalugi ng mga magsasaka sa papasok na anihan ng palay ngayong buwan ng Oktubre dahil sa danyos na dulot ng Bagyong Julian sa mga pananim.

Bishop Ambo ng Kalookan, bagong Pilipinong kardinal

Nakilala si Bishop Pablo Virgilio David ng Diyosesis ng Kalookan sa kanyang mariing pagtuligsa sa mga pagpaslang sa ilalim ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Mandatory ROTC, ipinaparatsada sa Senado

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, kailangan isang tunay na makabayang edukasyon na hahasa sa kabataan sa kritikal na pag-iisip. Anila, ito ang makakatulong sa pagdepensa ng soberanya at hindi militarisasyon.

VAT sa digital services, inaprubahan ni Marcos Jr.

Maraming sektor ang nag-aalala sa epekto ng 12% value-added tax sa mga gumagamit ng mga digital service. Tinawag naman na “dagdag pahirap” ng Computer Professionals’ Union ang bagong buwis sa mamamayan.