Balita

3 kabataang artista, ilegal na inaresto

Nakalaya na ang tatlong estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na sinampahan ng mga kasong vandalism, malicious mischief at disobedience of a person in authority or his agent.

Welga sa klima, ikinasa ng kabataan

Nanawagan ang mga kabataan na panagutin ang estado sa harap ng mga pinsala sa kalikasan at patuloy na paglabag sa karapatan ng mga tanggol-kalikasan at mamamayan na dulot ng mga patakaran at proyekto ng rehimeng Marcos Jr.

Brosas: Hustisya para sa mga biktima ni Quiboloy

Ayon kay Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas, dapat ding maimbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang iba pang mga opisyal ng gobyerno na tumulong kay Apollo Quiboloy para takasan ang pananagutan.

Kawani ng Baciwa, muling sumugod sa CSC

Muling sumugod sa punong tanggapan ng Civil Service Commission sa Quezon City nitong Set. 16 ang mga kawaning tinanggal ng Bacolod City Water District para ipanawagan ang agarang pagbabalik sa serbisyo.

Dalawang kabataang aktibista, dinukot sa Isabela

Dinampot sina Andy Magno at Vladimir Maro ng hinihinalang mga puwersa ng estado sa bayan ng San Pablo, Isabela nitong Set. 11. Sila ang ika-16 at 17 na biktima ng pagdukot sa ilalim ng kasalukuyang rehimen.

Unyon ng Golden Zone Garments, itinatag

Ayon sa bagong unyon, mababang pasahod, mandatory overtime, kawalan ng transportation allowance at hindi maayos na tuntunin sa kalusugan ang ilan sa mga dahilan kung bakit nag-unyon ang mga manggagawa.