Balita

Bangkay ng Pinoy na binitay sa Saudi, ‘di maiuwi

Giit ng Migrante International na dapat umanong managot ang administrasyong Marcos Jr. sa kapalpakang mailigtas ang buhay ng isa na namang overseas Filipino worker at dapat itong umaksiyon para sagipin mga nasa death row.

La Viña, Akap Ka Manila Bay, pinarangalan

Kinilala sa 8th Gawad Bayani ng Kalikasan si Antonio La Viña at Akap Ka Manila Bay sa kanilang adhikaing pangkalikasan at patuloy na pagtatanggol sa mga komunidad na apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

Sangkot sa pagpaslang kay Percy Lapid, tetestigo na

Nakatakdang tumestigo si Christopher Bacoto na sangkot umano sa kasong pagpatay sa batikang brodkaster at komentaristang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, sa paglilitis sa Okt. 21.

Aprubadong IRR ng Eddie Garcia Law, bitin pa rin

Bagaman itinuturing ng mga grupong Tambisan sa Sining at Eyes on Set Network ang halaga ng batas sa mga manggagawa sa telebisyon at pelikula, marami pa anilang bahagi nito ang kailangang suriin at pagbutihin.