Balita

Magsasaka sa Quezon, inaresto ng pulisya

Hinuli nang walang arrest warrant ang magsasaka ng niyog na si Roberto Mendoza, ama ng tanggol-magsasakang si Lieshel Mendoza, bandang 5 a.m. nitong Set. 1 habang nagkokopra sa Brgy. Silongin sa San Francisco, Quezon.

Tanggol-magsasaka sa Capiz, inaresto

Dinampot ng mga pulis at sundalo ang tanggol-magsasaka at dating bilanggong politikal na si Cirila Estrada, 62, at ang kasamahan niyang si Victor Pelayo, 54, noong Ago. 29 ng 7:00 a.m. sa bayan ng Pan-ay sa lalawigan ng Capiz.

Checkpoint ng pulisya sa UPLB, kinondena

Ayon sa ulat ng Defend Southern Tagalog at Anakbayan UP Los Baños, nagdulot ng takot sa mga estudyante ang pagtatanong ng mga pulis kung may kilala silang kabilang sa mga organisasyon itinuturing na "anti-government."

Kapatid ng NDFP peace consultant, nawawala

Naniniwala ang Karapatan na isa itong halimbawa ng “palit-ulo” na pakana ng militar para mapilitang lumitaw at sumuko si National Democratic Front of the Philippines consultant Alan Jazmines.

Utang ng Pinas, aabot ng P17.35T sa 2025

Sa tasa ng AlterMidya, kung itatapat ang P17.35 trilyon sa inaasahang populasyon ng Pilipinas sa 2025 na 115.37 milyon, may P150,407 na utang ang bawat Pilipino. Mas mataas ito kumpara sa P129,607 noong 2023.