Balita

Unyon ng UP Hotel, nagprotesta

Hindi ibinigay ng management ang kaukulang allowance nila para sa leave credential, clothing allowance at due process sa suspensiyon na nakapaloob sa collective bargaining agreement.

De Lima, absuwelto sa lahat ng kaso

Ganap nang malaya ang dating senador na si Leila de Lima matapos mapawalang sala sa ikatlo at huling kaso ng drug trafficking na isinampa ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

P1,207 minimum wage, ipinanawagan

Noong Hul. 16, 2023 pa huling nagkaroon ng P40 umento sa sahod sa Metro Manila, na naging daan para maging P610 ang minimum wage para sa non-agricultural sector at P573 para sa agriculture sector. 

106 pamilya, apektado ng demolisyon sa Bagbag

Nagsimulang tibagin ang ilan sa mga kabahayan sa lugar noong Hun. 13 kahit walang maipakitang court order at notice to vacate ang umaangkin sa lupa na si Bobet Collantes sa mga residente.