Ikatlong kinatawan ng party-list na Gabriela, iginigiit sa Comelec
Pagkakait sa representasyon ng kababaihan at ng mga mamamayang Moro ang pagtanggi ng Comelec na paupuin si Bai Ali Indayla bilang pangatlong nominado ng Gabriela Women's Party.
Pagkakait sa representasyon ng kababaihan at ng mga mamamayang Moro ang pagtanggi ng Comelec na paupuin si Bai Ali Indayla bilang pangatlong nominado ng Gabriela Women's Party.
Nagkaisa ang mga kawani sa kalusugan para singilin ang administrasyong Aquino sa kapabayaan nito sa sektor pangkalusugan sa paggunita ng Health Workers Day.
Lahat sila, para raw sa mahihirap. Lahat nangangakong pauunlarin ang ekonomiya. Kumbaga sa sabong panlaba, iba-iba ng brand pero iisa lang ang pangako — ang paputiin ang labada.
Sa tuwing eleksiyon, lahat ng mga kandidato ay langit at lupa ang ipinapangako. Pero may mga kandidatong hindi ipinapangako ang langit at lupa kapag naupo sila sa puwesto: dahil sa totoo lang, anila, imposible ito sa loob ng kasalukuyang sistema ng gobyerno.
Kapansin-pansin ang monopolyo ng iilang pamilya sa politika ng bansa. Silang nakatatakbo sa eleksyon ay nagmumula sa iilang pamilya lamang. Silang nakatatakbo sa halalan ay sila ring matagal nang may kapangyarihang pampolitika at kapangyarihang pang-ekonomiya.
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno, ipinanawagan ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na palayain ang mga bilanggong lider manggagawa. Kabilang sa labor rights defenders na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso sina Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Adelberto Silva, Sharon Cabusao, Renante Gamara, Raul Camposano, Randy Vegas, Isidro de Lima, Rene Boy Abiva, Virgilio Corpuz at Ernesto Lorenzo.
Nagkaisa ang mga nars sa Pilipinas sa ilalim ng Filipino Nurses United (FNU) para isulong ang kanilang laban para sa nakabubuhay na sahod at pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.
Dumagsa sa may Commonwealth Avenue patungong Quezon Memorial Circle ang marami sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno para sa isang pagtitipon para suportahan ang kumakandidatong pagkapresidenteng si Mar Roxas. Mas pagpapaigting pa sa 4Ps ang isinusulong ni Roxas dahil gagawin daw itong batas kung siya ang mahahalal. Ayon kay Gloria Arellano, […]
Ikinababahala ngayon ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) ang kaligtasan ng kanilang lider na si Xavier Akien, Vice Chairperson for Internal Affairs, na sinusundan ngayon ng mga hinihinalang elemento ng militar. Naunang naitala ang pagsunod noong Abril 6, matapos umanong mag-grocery si Akien kasama ang kaniyang asawa. Sa daan pauwi sila sinundan ng dalawang van at dalawang […]
Nagprotesta sa Department of Justice ang mga militante sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para sa pagpapalaya sa may 70 magsasaka na inaresto sa Kidapawan City noong Abril 1 matapos ang madugong dispersal. Wala umanong hustisya sa pagkulong sa mga magsasaka kabilang na dito ang anim na senior […]