Balita

Pananakit sa miyembro ng KMP kinondena, tunay na reporma sa lupa iginiit

Kinondena ng Anakpawis Party-list ang pananakit ng isang legislative security guard ng Kamara sa isa nilang miyembro matapos ang protesta ng grupo kontra sa anila’y bogus na batas para sa reporma sa lupa. “Bali ang buto sa ilong ni Gary Constantino, kailangang operahan,” sabi sa text message sa Pinoy Weekly ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap. Plano ng kanilang […]

Nora Aunor: Aquino, pinakamasahol na presidente sa mga OFW

[cycloneslider id=”flor20-migrante-at-nora-aunor”] “Hindi na natin kailangan pa ang maraming biktima ng pangangalakal, pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na natin kailangan ng mga pamilyang naulila’t nagdurusa para sabihin sa ating mga sarili: ‘Tama na, sobra na! Noynoy, resign na!’ Ito ang madagundong na sinabi ng maalamat na aktres na si Nora Aunor, sa kanyang talumpati sa Mendiola […]

‘Pagpapabaya’ ni Aquino sa edukasyon, binatikos sa ‘blackout protest’ ng kabataan

Nagprotesta ang mga estudyante sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa kontra sa lumalaking singilin sa mga eskuwelahan nitong Marso 13. Ginanap ito sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada, mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Maynila na nagpakamatay noong 2013 matapos hindi mabayaran ang matrikula sa pamantasan. Nilayon ng “Blackout Protest […]

Int’l People’s Tribunal to try Aquino, Obama for crimes vs Filipino people

An international tribunal will try cases of human rights violations perpetrated by Philippine President Aquino, as well as United States (US) Pres. Barack Obama, in Washington D.C. on July this year. The International People’s Tribunal, initiated by non-government organizations, human rights groups and solidarity groups in the Philippines and the United States, was launched today in […]

Isa na namang OFW, binitay sa Saudi

Nagpahayag ng pakikiramay at simpatya ang Migrante International sa pamilya ni Joven Esteva, isang overseas Filipino worker (OFW) na binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia sa kasong murder. Si Esteva ang ika-pitong OFW na nasa death row na binitay sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Pinakamarami ito sa isang rehimen mula ng ipinatupad sa […]

Migrante, dinala ang panawang pagbaba sa puwesto ni Aquino sa tarangkahan ng Malakanyang

Naglunsad ng isang lightning rally ang mga miyembro ng Migrante International sa Gate 7 ng Malakanyang sa Maynila para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino sa puwesto. Kaugnay ito sa sunud-sunod na pag-atake sa mga migranteng Pilipino na pinababayaan umano ng administrasyong Aquino. Pinakahuli ang pagbitay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia. Kasabay din nito ang […]

Mga militar na naglulunsad ng giyera sa Maguindanao, kinumpronta ng mga sibilyan

Kinumpronta ng mga sibilyan ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sumasalakay sa kanilang mga komunidad sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao nitong Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Ayon sa Suara Bangsamoro, isang Moro human rights organization, alas-kuwatro ng umaga ng naturang araw nang pumasok ang apat na armored personnel carriers, dalawang military […]

Pandarahas sa kababaihan, pagsingil sa pamahalaan

Kasabay ng matiniding krisis sa lipunang mababa ang pagtingin sa kanila, higit na nagiging bulnerable sa pandarahas at pagsasamantala ang kababaihang Pilipino. Ngayon, higit sa nakaraang mga panahon, naaalarma ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa lalong pagdami ng kaso ng seksuwal at pisikal na pang-aabuso sa kababaihan. Sa penomenong ito, nababahala rin ang Gabriela sa […]

Paano na silang maralitang ina?

Sa taong ito, dapat nang makamit ng gobyerno ang target nito sa Millenium Development Goals (MDG) hinggil sa maternal mortality rate (55 kada 100,000 babaeng buntis o nanganganak). Pero malayo pa ang Pilipinas sa target na ito. Malayo pa ito sa hangaring mapabuti ang akses sa serbisyong medikal ng mayorya ng maralitang kababaihang Pilipino. Mataas pa […]

‘Edukasyong ginagawang negosyo,’ muling kumitil ng buhay ng kabataan

Ang 16-anyos na si Rosanna Sanfuego ang pinakahuling biktima ng komersalisayon sa edukasyon. Ito ang sabi ng iba’t ibang grupo ng kabataan matapos kitilin ni Rosanna ang sariling buhay noong Pebrero 25. Matapos ito ng pag-text niya sa kapatid na lalaki na hindi siya nakapagbayad ng mga bayarin sa Cagayan State University (CSU) sa Tugegarao […]