Balita

Obispo Pabillo, nagdaos ng misa para sa katarungan sa Mamasapano

Nag-alay ng misa ang mga grupo at indibidwal na nananawagan ng katotohanan at katarungan para sa mga biktima ng insidente sa Mamasapano, Maguindanao. Minarkahan ng misa ang ikadalawang buwan ng madugong trahedya. Pinangunhan ni Obispo Broderick Pabillo ang selebrasyon ng misa na ginanap sa Christ the King Seminary sa Quezon City. Sa kanyang homily, sinabi […]

Tangkang pag-areglo ng US sa pamilyang Laude, kinondena

Sumugod sa harap ng embahada ng Estados Unidos (US) ang grupong pangkababaihan na Gabriela para kondenahin ang tangkang pang-aareglo ng gobyernong US sa kaso ni Private First Class Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay sa Pilipinong transgender na si Jennifer Laude sa pagsisimula nang pagdinig sa kaso. Nauna nang napaulat ang tangkang pag-aareglo sa pamilya ni […]

Pambansang kilos-protesta vs Aquino ng mga tsuper ikinasa

Nagkasa ng pambansang koordinadong kilos-protesta ang mga tsuper sa Metro Manila at iba pang rehiyon at lungsod ngayong araw. Pangungunahan ito ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston). Ayon sa tagapangulo nito na si George San Mateo, layunin ng kilos-protesta na singilin at usigin si Pangulong Aquino sa lahat ng […]

Mga magniniyog, tutol sa EOs ni Aquino hinggil sa coco levy fund

Kontra ang mga magniniyog sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (Claim) sa ipinalabas na dalawang executive order (EO) ni Pangulong Aquino na magsasapribado sa tinatayang P83 Bilyong coco levy fund. Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, plano nilang hamunin ang legalidad ng EO 179 at 180, aniya […]

#Sinungaling | ‘Groupie protest’ isinagawa sa Trinoma Mall

Nagtipon ang mga miyembro ng Truth and Accountability Alliance at Noynoy Out Now! (NOW) sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City para sa isang tahimik na “groupie protest” kontra sa pagsisinungaling diumano ni Pangulong Aquino sa pananagutan niya sa trahedya sa Mamasapano at iba pang isyu. Nakausot sila ng itim na t-shirt na may nakasulat […]

‘Mga nananawagang magbitiw si Aquino, dumarami’

[cycloneslider id=”now-rally-march-20-2015″] Libu-libong mamamayan ang nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola para muling ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Aquino. Nagtipon ang iba’t ibang sektor at organisasyon sa ilalim ng Noynoy Out Now (NOW). Para sa kanila, bukas ang kaisipan ng mas malaking bilang ng mga Pilipino na maaari nang ipanawagan ang pagbibitiw ni […]

‘P15 dagdag-sahod, ni hindi papasa bilang limos’

Binatikos ng alyansa ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na All Workers’ Unity ang regional wage board ng National Capital Region (NCR) na nag-apruba ng P15 dagdag-sahod. Anila, ni hindi papasa bilang “abuloy” ang naturang halaga. Matagal nang hirap ang mga manggagawa na pagkasyahin ang mababang sahod sa tumataas na gastusin, kabilang ang tumataas […]

Ika-284 kaarawan ni Gabriela Silang, ginunita ng kababaihan

Ginunita ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang ika-284 na kaarawan ng bayaning si Gabriela Silang sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento nito sa Makati City ngayong Marso 19. Ayon sa grupo, napakahalagang ipaalala sa kababaihan ang buhay at pakikibaka ni Gabriela Silang. “Sa panahong ngayon, dapat tayong patuloy na maging mapagmahal sa ating […]