Balita

Kaso ni Mary Jane, kailangang bantayan ng taumbayan

Nagprotesta ang iba’t ibang mga grupo sa harapan ng Department of Justice (DOJ) sa pagbubukas ng preliminary investigation sa kaso nina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao, ang itinuturong mga rekruter ni Mary Jane Veloso. Ayon kay Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kailangang patuloy na manawagan sa pagliligtas at pagpapalaya […]

Mga lider-kawani ng gobyerno, hinaharas ng militar

Sa likod ng malaking pagkilos ng mga manggagawa noong Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, naganap ang panghaharas sa mga kawani at manggagawa ng pamahalaan. Isiniwalat kamakailan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Empoyees (Courage) ang panghaharas sa mga nasa pamunuan ng mga unyon ng mga kawani sa pamahalaan. Ibinahagi ni Rosalinda […]

Mary Jane’s second appeal rejected, supporters continue with vigil

Indonesia’s Sleman district court rejected the appeal of Mary Jane Veloso for second judicial review on her case today. Minerva Lopez, one of the Filipino lawyers of Mary Jane, confirmed the decision in a press conference held in front of the Indonesian embassy in Makati City where Mary Jane’s supporters held a vigil. “We confirm […]

‘Gobyerno ng Pilipinas, nagsisinungaling sa kaso ni Mary Jane’

“Pawang mga kasinungalingan” ng administrasyong Aquino ang natuklasan ng mga abogado ni Mary Jane Veloso sa kanilang pagdating sa Indonesia para tumulong sa kaso. Taliwas sa sinasabi ng gobyerno ng Pilipinas na ginagawa nila ang lahat para kay Mary Jane, malinaw na kapabayaan ang ginawa sa kaso ni Mary Jane, ayon sa PH legat team sa […]

Larawan | Ika-42 taon ng pagkakatatag ng NDF, ginunita sa raling iglap

Nagsagawa ng raling iglap sa mataong kalsada ng EDSA at Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City ang  rebolusyonaryong mga organisasyong kaanib ng National Democratic Front (NDF), bilang paggunita sa ika-42 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Sa kanilang martsa, muling ipinanawagan ng NDF ang pagpapatalsik sa namamayaning sistemang pampulitika at panlipunan sa Pilipinas na kinakatawan ng administrasyong Aquino. […]

K-12, paparamihin lamang ang mga Mary Jane – LFS

Nagpiket ang grupo ng kabataan sa tanggapan ng Department of Education sa National Capital Region (DepEd-NCR) para ipanawagan ang pagbabasura ng programang Kindergarten-to-12 Years (K-12) sa sistema ng edukasyon sa bansa. Anila, magdudulot ito ng lalong pagdami ng murang lakas-paggawa na iluluwas palabas ng bansa. Tumungo nag mga grupong pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS), kasama ang Migrante International […]

Korte Suprema, naglabas ng TRO sa CHED Memo na ‘kontra sa wikang Filipino’

Patuloy na ituturo ang Filipino at literaturang Filipino sa mga paaralan. Tagumpay ng sama-samang pagkilos ang desisyon ng Korte Suprema na maglabas ng ng isang temporary restraining order kontra sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, na ayon sa mga kritiko’y kontra sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo. […]

#SaveMaryJane | Suporta kay Mary Jane Veloso, dumarami

Patuloy na umaani ng suporta si Mary Jane Veloso, ang overseas Filipino workers (OFWs) na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia, mula sa iba’t ibang sektor sa loob at labas ng bansa. Isang solidarity lunch kamakailan ang idinaos ng mga kapamilya ng mga kapwa OFWs para kay Veloso. Ayon sa Migrante International, na siyang nag-organisa ng […]