Pambansang Isyu

Insidente sa Tubbataha, ipinapakita kung bakit VFA dapat ibasura

Nagpapatuloy sa pagwasak sa pambansang yaman ng Pilipinas sa Tubbataha Reef ang barkong pandigma ng US . Dahil dito, at sa iba pang dahilan, dapat agarang repasuhin ng gobyerno ang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA), ayon sa mga grupong makabayan at makakalikasan. “Walang malinaw na paliwanag ang mga opisyal ng US sa kung bakit nag-trespass […]

Pagsira ng barkong pandigma ng US sa bahagi ng Tubbataha Reef, kinondena ng kabataan

“Kung hindi kayang ipagtanggol ng administrasyong Aquino ang soberanya ng Pilipinas, tayong mga mamamayan ang siyang titindig at magtatanggol para dito!” Ito ang nangangalit na sigaw ni Einstein Recedes, tagapagsalita ng Kabataan Party-list, nang sugurin nila ang embahada ng US kamakailan. Kinokondena ng Kabataan ang pagkasira ng bahagi ng Tubbataha Reef matapos mabangga ng USS […]

Militant workers express support to Pablo victims’ protest for relief, rehabilitation

Militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) expressed its support for the people of Mindanao who set up a barricade to condemn the Aquino government for its role in the devastation caused by typhoon “Pablo”. KMU also condemned the Aquino administration’s failure in providing sufficient help to the thousands victims devastated by typhoon Pablo. “The […]

Kumukuwestiyon sa legalidad ng Cybercrime Law, dumarami

Habang papalapit ang oral arguments sa Korte Suprema sa Enero 15, dumarami ang mga pagtitipon para kuwestiyunin ang pagiging constitutional (o sang-ayon sa Saligang Batas) ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Law of 2012 . Sa isang porum sa University of the Philippines-Diliman, inulit ni Harry Roque Jr., abogado, eksperto sa constitutional law at […]

10 mahahalagang istorya na pinalampas ng midya noong 2012

Mahalaga, ngunit nagkulang sa pansin. Tinipon ng Pinoy Weekly ang mga istorya noong 2012 na tinataguriang “underreported” o hindi nabigyan ng midya ng sapat na espasyo (sadya man o hindi) sa kanilang mga ulat bilang isyu o kaganapang dapat alam ng publiko. Nabigyan sana ang publiko ng kumpleto at mas tumpak na larawan ng ating […]

‘Maningning na dekada ng digmang bayan’

Umabante at patuloy na umaabante ang digmang bayan sa buong bansa, partikular sa Mindanao, sabi ni Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front – Mindanao. Sa pahayag na inilabas ni Madlos kaalinsabay ng ika-44 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas, sinabi niya na lumawak ang baseng masa ng rebolusyonaryong kilusan, ibayong dumami ang […]

Trahedya sa Timog Mindanao, sanhi ng malawakang pagmimina, pagtotroso

Dama ng Mindanao ang isa sa pinakamalupit na trahedya sa kasaysayan nito matapos humagupit ang bagyong Pablo (Bophal). Ang hindi sinisiwalat, small-scale mining at logging ang dahilan kung bakit nangyari ang trahedya sa ilang mga bayan sa Mindanao. Ayon sa pagbibilang ng iba’t ibang ahensiya, di-bababa sa 500 katao ang nasawi sa mga biglaang pagbaha […]

Hidwaang Smartmatic-Dominion maaaring makagulo sa halalang 2013

Naglabas ng agam-agam ang isang grupo ng mga migrante na baka mabalam ang halalang 2013 dahil sa hidwaan ng mga kompanyang magpapatakbo ng automated na pagboto. Ayon kay Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante Partylist, naghapag ng balidong concern ang electoral watchdog na Automated Elections System Watch (AES) nang sabihin nitong maaaring humantong na paggamit ng piniratang […]