Malawakang protesta vs nagtataasang presyo, pribatisasyon ikinasa sa Marso 20
Isang malaking “protestang bayan” ang ikinasa ng iba’t ibang sektoral na mga organisasyon sa Marso 20 para tutulan ang pagtaas ng presyo ng batayang mga serbisyo, produkto at iba pang bayarin na dulot umano ng patakarang pribatisasyon ng gobyerno. Sa isang press conference, sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na tampok […]